• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mataas na employment rate, patunay ng economic momentum

NANINIWALA  ang isang kongresista na isang patunay ng economic momentum o pagsipa muli ng ekonomiya ang naitalang pagtaas sa employment rate ng bansa noong buwan ng Nobyembre noong nakaraang taon.

 

 

Sinabi ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, malaking tulong dito ang pagbabalik ng face-to-face activities at consumer spending.

 

 

Pinaka-positibo si Salceda sa naitalang year on year increase na 980,000 jobs sa manufacturing sectors.

 

 

Isa kasi ito sa senyales na talagang lumalago at sumigla na muli ang ekonomiya ng bansa.

 

 

Pinatututukan naman ng ekonomistang mambabatas ang sektor ng construction at fisheries na nagkaroon ng pagbaba.

 

 

Batay sa report, nagkaroon ng 530,000 year on year job loss sa pangingisda habang 392,000 na trabaho ang nawala sa construction.

Other News
  • Obiena silver sa Italy

    Nasungkit ni Olympic bound at SEA Games pole vault gold medalist Ej Obiena ang silver medal sa katatapos na 13th International Meeting sa Trieste, Italy matapos lundagin ang 5.45 meter mark sa competition.   Hinirang namang kampeon si Olympic gold medalist Thiago Braz da Silva ng Brazil na may 5.50 meter at 3rd place naman si […]

  • Nag-react nang ikumpara kay Ruffa: POKWANG, ‘di matatahimik hanggang nasa ‘Pinas pa si LEE

    HINDI pa rin matatahimik ang Kapuso aktres na si Pokwang hanggang nasa Pilipinas pa ang ama ng anak niya na si Lee O’Brian.   Kahit na may desisyon na at inatasan na ng korte na lisanin na ni Lee Ang Pilipinas, still nasa bansa pa rin ang foreigner. Kaya nga ganun na lang ang galit […]

  • PBBM, Cabinet, tinalakay ang pag-upgrade sa workforce skills sa Pinas

    TINALAKAY nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at miyembro ng kanyang gabinete ang ilang inisyatiba na mag-upgrade sa worforce skills sa Pilipinas     Ang pag-upgrade sa kasanayan ng mga manggagawang Filipino ay bahagi ng agenda ng ninth Cabinet meeting na pinangunahan ni Pangulong  Marcos sa Malacañan Palace, Martes ng umaga.     Sa press briefing, […]