Matagumpay ang unang hudyat ng MMFF 2022: VICE, COCO, TONI, NADINE, JAKE at IAN, nanguna sa ‘Parade of Stars’
- Published on December 22, 2022
- by @peoplesbalita
TUNAY ngang balik-saya ang matagumpay na ‘Parada ng mga Bituin, o ‘Parade of Stars’ na angkop sa tema ngayong taon, “Balik Saya ang MMFF 2022.”
Ang Parade of Stars ay naging hudyat ng opisyal na pagsisimula ng pagdiriwang, na kung saan ang host city ay ang lokal na pamahalaan ng Quezon City.
Ang ‘Parada ng mga Bituin’, ay nagtampok ng mga naglalakihang karosa na lulan ang mga maniningning na bituin na mula sa walong kalahok sa taunang film festival, na pinangunahan nina Vice Ganda, Coco Martin, Toni Gonzaga, Jake Cuenca, Ivana Alawi, Jodi Sta. Maria, Nadine Lustre at Ian Veneracion na isa talaga sa pinaka-tilian ng mga girls dahil sa taglay pa rin nitong kaguwapuhan.
Nagsimula ito mula sa Welcome Rotonda-Quezon Avenue hanggang Quezon Memorial Circle na naganap kahapon, Disyembre 21.
Ang parada ay tumahak ng pitong kilometro, na tinatayang tumagal ng nang higit sa dalawang oras at salamat sa Diyos dahil pinagpala naman ng magandang panahon.
Ang staging area para sa mga float ng walong opisyal na entries at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay nasa kahabaan ng E. Rodriguez hanggang D. Tuazon. Ang mga traffic enforcer ng ahensya ay tumulong sa gilid ng ruta ng parada para sa crowd control.
Samantala, inanunsyo ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na magbibigay ito ng pondong nagkakahalaga ng P500,000 para makatulong sa marketing ng mga pelikula sa pamamagitan ng CreatePHFilms, para sa bawat film producer na nakapasok sa MMFF 2022.
Ang CreatePHFilms Funding Program ng FDCP ay idinisenyo upang magbigay ng suporta sa mga filmmaker, producer, at distributor sa lahat ng yugto ng paggawa ng pelikula upang umakma sa kanilang mga pagsisikap na makagawa ng mga de-kalidad na pelikulang Pilipino.
Lumagda rin ang MMFF ng Memorandum of Agreement sa BingoPlus, isang online bingo game platform, para maging film festival presenter.
“This year’s festival promises an exciting selection of films for all moviegoers. It offers a wide variety of genres that will complete the tradition of Filipinos going to the cinemas during the holiday season (Ang pagdiriwang ng taong ito ay nangangako ng isang kapana-panabik na seleksyon ng mga pelikula para sa lahat ng manonood ng sine. Nag-aalok ito ng malawak na sari-saring genre na kukumpleto sa tradisyon ng pagpunta ng mga Pilipino sa mga sinehan sa panahon ng Kapaskuhan),” ayon sa naging ni Atty. Romando Artes, MMDA at MMFF Over-all Chairman.
Sa walong opisyal entries sa MMFF 2022 nanguna sa parada ang “Family Matters” ng Cineko Productions, na sinundan ng “My Father, Myself” Inc. ng 3:16 Media Network at Mentorque Productions; ” “Partners in Crime” ng ABS-CBN Film Productions; at “My Teacher” ng TEN17P.
May special float din ang BingoPlus na major sponsor ng MMFF 2022, kasunod ang huling apat na kalahok, “Labyu with an Accent” ng ABS-CBN Film Productions “Deleter” ng Viva Communications, Inc.; “Nanahimik ang Gabi” ng Rein Entertainment Productions”; at “Mamasapano: Now It Can Be Told” ng Borracho Film Production.
Ang ika-48 na MMFF ay mapapanood sa mga sinehan sa buong bansa mula Disyembre 25, 2022 hanggang Enero 7, 2023.
Ang Gabi ng Parangal ay nakatakda sa Disyembre 27 sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City, na kung saan i-announce ang mga mananalo sa Best Float.
Suportahan natin ang Pelikulang Pilipino.
(ROHN ROMULO)
-
POKWANG, nag-react sa paggamit sa kanilang mag-asawa ng isang ‘dating app’; manggagantso, planong ireklamo sa NBI
NAG-REACT si Pokwang sa paggamit sa kanilang mag-asawa ng isang dating app. At tila plano nitong ireklamo sa N.B.I. (National Bureau of Investigation) ang pangyayari. Pinost nga niya sa kanyang Instagram account ang post ng isang netizen na may pangalan sa kanyang Facebook na Marl B. Mendoza at tila miyembro o baka admin […]
-
Fernando, tiniyak na kontrolado ang ASF sa Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos ipahayag ng Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora ang pagpapatupad ng pork ban mula sa Bulacan, Pampanga at Tarlac, tiniyak ni Gob. Daniel R. Fernando sa mga Bulakenyo lalo na ang mga nag-aalaga ng baboy na kontrolado na ang kaso ng African Swine Flu (ASF) sa lalawigan. Naglabas ang Pamahalaang […]
-
Standhardinger paaastigin si Holmqvist sa Gin Kings
KARAMIHAN marahil sa mga kumakarir sa basketbol, gustong mapunta sa Barangay Ginebra San Miguel kapag nag-propesyonal na o mag-Philippine Basketball Association (PBA). Isa na riyan si Ken Holmqvist. Mas mapalad nga lang ang 26 na taong gulang na Filipino-Norwegian sa ibang kapwa basketbolista dahil napagbigyan ang kanyang inaasam. Sa […]