MATANDANG BINATA KULONG SA PANGMOMOLESTIYA SA 4 NA DALAGITA
- Published on June 14, 2021
- by @peoplesbalita
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 54-anyos na binata matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa apat na dalagita niyang kapitbahay sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.
Lango pa sa alak si Danilo Garcia, walang trabaho at residente ng 37 Don Basilio Bautista Blvd. Brgy. Hulong Duhat nang dakpin ng mga tauhan ni P/Maj. Patrick Alvarado, hepe ng Malabon Police Sub-Station 7 matapos ireklamo ng mga magulang ng apat na dalagitang biktima.
Sa tinanggap na ulat ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot, nagkukuwentuhan ang magkakaibigang dalagita sa Bantayan Street, Brgy Hulong Duhat dakong alas-5 ng hapon nang dumaan si Garcia na nasa impluwensiya ng alak at hinalikan sa pisngi ang 15-anyos at 16-anyos na dalagitang biktima.
Binalingan din ng suspek ang 14-anyos at 15-anyos na na kasamahan ng dalawang naunang biktima at hinalikan naman ang mga ito sa labi.
Sa takot ng mga dalagita, nagtatakbo kaagad ang mga ito palayo sa suspek at isinumbong sa kani-kanilang mga magulang ang ginawang kalaswaan sa kanila ng suspek.
Humingi naman ng tulong kay P/EMSgt. Jerry Bautista ng Malabon Police Sub-Station 7 ang mga magulang ng dalagita na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na nahaharap ngayon sa kasong Acts of Lasciviousness. (Richard Mesa)
-
Diaz buhos training lang sa Malaysia
WALA pa sa isipan ni national weightlifting star Hidilyn Diaz ang pag uwi sa Pilipinas. Mas pokus siya na makapag- training upang paghandaan ang 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan. Inabot na ng anim na buwang stranded ang 2016 Rio de Janeiro Olympics women’s weightlifting silver medalist sa Kuala Lumpur, Malaysia […]
-
Duterte umaasang ‘di mas mapanganib ang bagong ‘monster’ na COVID-19 variant
Nababahala umano si Pangulong Rodrigo Duterte matapos makapasok na sa Pilipinas ang bagong variant ng COVID-19. Sa kanyang weekly address, sinabi ng Pangulong Duterte na umaasa itong hindi mas mapanganib ang bagong variant ng coronavirus na unang na-detect sa United Kingdom. “And I pray to God, really, na sana hindi ito more dangerous, […]
-
Kaso ng mpox sa bansa nasa 15 na – DOH
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na pumalo na sa 15 ang kaso ng mpox sa bansa. Sa nasabing bilang ay 11 dito ay mula sa National Capital Region, tatlo sa Calabarzon at isa sa Cagayan Valley. Karamihan sa mga pasyente ay lalaki at iisa lamang ang babae kung saan hindi na binanggit pa ng […]