Matapos dumating ang halos 1-M doses pa na Pfizer sa PH
- Published on November 2, 2021
- by @peoplesbalita
Nakatanggap muli ang bansa ng nasa halos isang milyong doses ng COVID-19 vaccines mula sa kompanyang Pfizer.
Pasado alas-8:00 kagabi ng dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang 976,950 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines.
Aabot na sa mahigit 100-million na COVID-19 vaccine ang kabuuang natanggap na ng gobyerno.
Sinalubong ito ni vaccine czar Carlito Galvez Jr at ilang mga opisyal ng Department of Health.
Sa nasabing bilang ay posibleng mapataas na ang dami ng mga mababakunahan sa bawat araw.
Sa buwan pa kasi ng Nobyembre ay inaasahan ang pagdating ng karagdagang 25 milyong doses ng COVID-19 vaccines. (Daris Jose)
-
SONA NI PBBM, NAKATUON SA EKONOMIYA
EKSAKTONG alas-3:33 ng hapon nang dumating sa Batasang Pambansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang unang State Of the Nation Addres (SONA) kahapon, July 25. Dumiretso ang Pangulo sa Executive Lounge ng Kongreso kasama ang kanyang may bahay na si Lisa at Executive Secretary Vic Rodriqguez, mga senador at iba pa. […]
-
Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, nagbigay ng oryentasyon sa mga mamamahayag hinggil sa COVID-19 vaccine program
LUNGSOD NG MALOLOS – Nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Public Affairs Office sa pakikipag-ugnayan sa Provincial Health Office-Public Health ng Media Literacy hinggil sa COVID-19 Vaccine Program sa ilang mamamahayag sa Bulacan sa pamamagitan ng Google Meet kahapon. Mahalagang hakbang ang pagbibigay ng oryentasyon sa mga mamamahayag dahil katuwang […]
-
PAALALA SA KAPISTAHAN NG STO NINO SA TONDO
PINAALALAHANAN ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang simbahan at mga residente hinggil sa pagdiriwang ng Kapistahan naman ng Poong Sto. Nino de Tondo. Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ipagbabawal muna ang anumang aktibidad na gagawin sa labas ng Sto. Nino de Tondo Parish . Papayagan naman ang pagsasagawa ng mga misa basta’t masusunod […]