Matapos na mahiwalay kay Rico: IÑIGO, suportado si MARIS sa kanyang pinagdaraanan
- Published on July 20, 2024
- by @peoplesbalita
2018 pa nang magtapos ang relasyong Inigo Pascual at Maris Racal.
Matagal na ring wala silang komunikasyon after ng kanilang paghihiwalay.
Sabi pa nga ni Iñigo sa isa sa mga interbyu sa kanya, na mas importante raw na kilalanin at mahalin niya muna ang sarili niya bago raw niya seryosohin na magmahal.
“Sa totoo lang, mas mahirap piliin yung sarili mo kaysa mga bagay na gusto mo.
“Minsan you get blinded by the things you want,the things, you’re comfortable with.
“Like me, going to the states, I feel like it’s a parallel situation. It’s not the ideal move for me.
“But when you learn about yourself, it’s a big step,” seryosong banggit pa ng anak ni Piolo Pascual.
Samantala, suportado naman ni Iñigo ang pinagdaraanan ngayon ni Maris.
Matandaang inamin sa publiko ni Maris last week ang tungkol sa nangyari sa relasyon nila ni Rico Blanco.
Hindi naman ikinakaila ni Iñigo na napanood niya ang nasabing pahayag ni Maris tungkol sa hiwalayan nila ng singer.
“I actually watched it. I fell for her. I know it’s a tough but I see it in a good light. The way she talks sbout it. She’s getting to know herself. Im very proud of her.
“It’s a choice for her to turn a page, turn a new chapter,” pahayag pa ni Inigo.
***
23 years nang mag-asawa sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragosa. Sabi pa ni Jessa na sa tagal daw nilang nagpe-perform together ay marami na raw silang natutunan.
“Every show, pinag-iisipan niya talaga na gusto niya hindi lang 100% ‘yung ibigay niya,” sey pa ni Jessa
Kapwa hindi man aktibo sa telebisyon at pelikula ay masaya naman daw sila sa takbo ng ksnilang career.
“We feel so blessed that na nandito kami sa pagkakataon sa career namin na we can choose kung ano ‘yung trabaho na gusto naming tanggapin, na hindi naman lahat nakakagawa ng gano’n.
“Hindi na ito ‘yung point sa buhay namin na nakikipaghabulan kami. Kasi very grateful na din naman kami sa naiambag namin sa music industry. So ngayon ang mas nai-enjoy ko na mga projects, kung sakaling dumating, feeling ko meron akong iba pang kailangan gawin, medyo hindi ko muna tatanggapin ‘yon.
“Hintay na lang ako sa susunod. Ang priority ko talaga ngayon ‘yung family ko,” sey pa ni Jessa.
Ayon pa rin sa singer at aktres ay mayroong na siyang mga tinanggihang proyekto partikular na ang paggawa ng serye.
“Natatanggihan ko kasi honestly nahihirapan na talaga ako sa puyat. Hindi na ako bagets, hindi ko na keri! Isang reason kasi ‘yung commitment na kailangang hindi ka mag-a-absent.
“Hindi ka pwedeng umalis ng six months. Parang gusto ko pa din mas ma-enjoy ‘yung singing career ko. Parang feeling ko dapat pipili ka lang ng isa,” lahad pa rin ni Jessa.
(JIMI C. ESCALA)
-
METAL BARRIER o BODY SHIELD, KAILANGAN PA BA KUNG ang MAGKA-ANGKAS sa MOTORSIKLO ay MAG-ASAWA o NAGSASAMA?
Yan ang tanong ng marami sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP). Ayon sa IATF, mukhang ito ang ipatutupad nila para payagan ang angkasan sa panahon ng GCQ. Maski sinasabi pa ng mga eksperto, mga mambabatas at ilang lokal na opisyal, na hindi na kailangan ang barrier sa pagitan ng dalawang magka-angkas sa motor […]
-
ZOREN at CARMINA, naging emotional dahil sa pinagdaraan ng pamilya at sa pagkahiwalay sa kambal
ANG ganda ng trailer pa lang ng bagong GMA Afternoon Prime, ang Stories from the Heart: The End of Us na pinagbibidahan ng real-life couple na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel. At umpisa pa lang ng online mediacon nila, naging very emotional na sina Zoren at Carmina. Lalo na si Zoren na […]
-
Japan planong luwagan ang border controls
PLANO ngayon ng Japan na luwagan ang kanilang border controls. Ayon kay Prime Minister Fumio Kishida , na kanilang pinag-aaralan ang nasabing panukala matapos na ipatupad noong nakaraang taon dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Omicron coronavirus variant. Sa nasabing border ay pinagbabawal ang pagpasok ng mga dayuhan ng […]