• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matteo, panalangin sa Diyos na makasundo pa rin ang pamilya ni Sarah

Tila aminado si Matteo Guidicelli na hindi pa maayos ang relasyon niya sa mga magulang ng asawang si Sarah Geronimo.

 

Ito’y matapos ihayag ng 30-year-old Fil-Italian actor na ang pagiging kompleto sana ng pamilya ni Sarah sa kanilang naging pag-iisang dibdib ang katuparan sa mga pangarap nito.

 

Pero ayon kay Matteo, naniniwala siya na sa tamang panahon ay maghihilom din ang isyu at magkaka-bonding sa salu-salo ang mga magulang nila ng 32-year-old singer/actress.

 

Sinasabing bago ang secret wedding nina Matteo at Sarah noong noong February 20, 2020 (02-20-20), kilala ang ina ni Sarah na si Mommy Divine sa pagiging bantay-sarado sa celebrity daughter.

 

“I believe our parents raised us up and worked so hard for us that, one day, they could marry a woman and man, and two families combined, di ba, having a drink together and pasta together.

 

“I think that’s our family’s dream. One day, one day it will happen,” bahagi ng pahayag ni Guidicelli sa vlog ni Toni Gonzaga nitong December 1.

 

Una nang inamin ng mag-asawa na hindi pa nila plano ang pagkakaroon ng sariling mga tsikiting dahil ini-enjoy pa ang kanilang “honeymoon” stage.

Other News
  • Malakanyang, pinalagan ang ‘hallucination’ ni Digong Duterte na attack dog ng admin si Trillanes

    AYAW patulan ng Malakanyang ang alegasyon ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte na isang ‘attack dog’ ng administrasyon si dating senator Antonio Trillanes IV dahil sa pinakabagong banat at atake ng huli sa una.   “Mahirap nang pumatol sa ganyan. Hallucination na ‘yan,” ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa mga mamamahayag sa […]

  • Ads April 1, 2022

  • 61 simbahan sa Maynila, tututukan ng MPD sa Simbang Gabi

    TINIYAK  ni Manila Police District (MPD) Director P/Brig. General Andre Dizon na sapat ang itatalagang mga uniformed at civilian clothes personnel na magbabantay sa 61 simbahan sa Maynila para sa Simbang Gabi.     Sinabi ni Dizon,  na simula sa Dec. 16, asahan na magi­ging maayos at sapat ang kapulisan na itinalaga sa Quiapo Church,  […]