May 7,000 erring motorcycle riders sinita
- Published on July 22, 2020
- by @peoplesbalita
Sinita ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit sa 7,000 na motorcycle riders dahil sa hindi pagtupad sa regulasyon tungkol sa backriding na ipinatutupad ng IATF simula ng payagan ng pamahalaan ang ganitong klaseng transportasyon sa ilalim ng GCQ.
Marami sa mga backriding couples ay hindi sumusunod sa paglalagay ng barriers sa pagitan ng driver at sakay nito.
“Police around the country have flagged down more than 14,700 motorcycle riders as of Sunday and found that 7,091 or almost half of the total attempted to pass themselves off as married or live-in couples,” wika ni PNP deputy chief Guillermo Eleazar.
May 6,475 na mga violators ang hindi lamang nahuli dahil sa paglabag bilang mag-asawa kung hindi pati na rin dahil sa hindi paglalagay ng barriers.
“With 14,700 motorcycles flagged down, 14,156 riders or 96 percent did not put up barriers while carrying another passenger. This means that 600 riders have used barriers,” dagdag ni Eleazar.
Samantalang mayroon naman na 7,680 na riders ang napatunayan na sila ay magasawa subalit wala naman silang nakalagay na barriers.
Nalaman din ng PNP na halos lahat ng nahuli nila ay may sakay na hindi mag-asawa kundi mga kamag-anak, kapitbahay, at kaibigan lamang.
“For a long time motorcycle riders had repeatedly requested the government to allow at least their partners to backride with them due to limited public transportation. And now that the government finally granted their request, they openly and brazenly disregarded the rules that the government was asking from them in return to ensure their safety from the coronavirus infection,” saad ni Eleazar.
Ayon sa datos ng PNP, sa Central Visayas ang may pinakamataas na nahuling violators kung saan may 1,755 na couples. Kasunod ay ang Bicol region na may 741 na accosted violators, Western Visayas ay may 737, at Central Luzon na may 675 na nahuling hindi tumutupad sa regulasyon.
Pinayagan ng pamahalaan ang mag-asawang sumakay na magkasama sa motorcycles simula noong July 10 subalit sila ay kinakailangang mapatunayan na talagang sila ay mag-asawa o di kaya ay live-in partners. Kasama rin sa pinapayagan ay ang mga hanay ng lesbian, gay, bisexual at transgender community subalit kailangan nilang sila ay nagsasama sa isang bahay lamang.
Pinaalalahanan din ni Eleazar na magdala ang mga back-riders na mag-asawa at live-in couples ng kanilang mga identification cards at iba pang dokumento para mapatunayan na sila ay talagang lehitimong mag-asawa at live-in partners na magkasama sa isang bahay.
“Those who were accosted were either warned or cited for violation. Our personnel on the ground were instructed to make sure that those accosted would comply with the rules set by the NTF against COVID 19,” wika ni Eleazar.
Binigyan pa ng grace period ang pagsunod sa regulasyon dahil na rin sa gagawin pa na consultations sa mga stakeholders at mga figures na kanilang nakalap.
Kung kaya’t magsisimulang magbigay ng kaukulang penalty ang PNP sa mga violators simula sa July 27. (LASACMAR)
-
Sa patuloy na tagumpay bilang aktor at politician: ARJO, top priority pa rin si MAINE at pabuo ng pamilya
MULI ngang ipinamalas ng actor-public servant na si Cong. Arjo Atayde ang kanyang status bilang internationally-acclaimed artist, matapos niyang magwagi sa 2024 ContentAsia Awards. Itinanghal si Arjo bilang Best Male Lead in a TV Program/Series para sa kanyang paganap sa papel ni Anton dela Rosa, ang complex at intense central character ng ‘Cattleya Killer’. […]
-
Pagpapawalang bisa sa minor moratorium kinondena ng Obispo
Kinondena ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang pagpapatigil ng pamahalaan sa siyam na taong moratoryo sa pagmimina. Ayon kay Bishop Pabillo, hindi naaangkop ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil lalo lamang itong magpapalala sa iba’t ibang kaganapang nangyayari sa ating kapaligiran. Dagdag pa ng Obispo na maaaring […]
-
Mga golfer marami ng torneo sa 2021
SINALUDUHAN ng Games and Amusements Board (GAB) ang una sa dalawang torneo ng Philippine Golf Tour (PGT) sa restart mula sa eight-month stop dahil sa Covid-19 at hinimok ang mas maraming kompetisyon ng sport sa taong 2021. Base ito sa ulat na nakarating kay GAB chairman Abraham Kahlil Mitra mula sa Pro-Basketball and Other […]