May delayed telecast sa ALLTV: Gabi ng Parangal ng ‘The 7th EDDYS’, tuloy na tuloy sa July 7
- Published on June 12, 2024
- by @peoplesbalita
MAS maningning at kaabang-abang ang awards night ng ‘The 7th EDDYS’ ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ngayong 2024.
Ang ika-7 edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ay gaganapin sa darating na July 7, sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Pasay City.
Mapapanood naman ang delayed telecast ng idaraos na Gabi ng Parangal sa ALLTV sa darating na July 14, 10 p.m.
Muli itong ididirek ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon. Siya rin ang nagdirek sa ika-6 edisyon ng The EDDYS nitong nagdaang taon.
Ang Brightlight Productions naman ang magsisilbing line producer ng awards night.
Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts, ALLTV at Sound Check, kasama pa rin ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom bilang major sponsor.
Katuwang din ng grupo ngayong taon ang Beautéderm ni Rhea-Anicoche Tan, Unilab, Camille Villar, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson at ang Echo Jam.
Ipagkakaloob ng 14 acting at technical awards, na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2023.
Tulad sa mga nakaraang taon, magsisilbing highlight ng event ang pagbibigay-pugay sa bagong batch ng EDDYS Icons na itinuturing nang mga haligi ng movie industry.
Una na nga riyan ang posthumous award para sa yumaong comic strip creator, movie producer at direktor na si Carlo J. Caparas para sa natatangi niyang kontribusyon sa Philippine movie industry.
Ang Movie Icon Awards naman ngayong 2024 ay ibibigay kina Nova Villa, Leo Martinez, Lito Lapid, Eva Darren at Gina Alajar bilang pagkilala sa hindi matatawarang pagmamahal, dedikasyon at patuloy na paglaban para mas maiangat pa ang kalidad ng bawat pelikulang Pilipino.
Ang ilan pa sa mga special award na ipamamahagi ay ang Isah V. Red Award (ang mga walang sawang tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan), at ang Joe Quirino Award at Manny Pichel Award (para sa mga natatanging miyembro ng entertainment media).
Pararangalan din sa awards night ang Rising Producer of the Year.
Bilang pagkilala naman sa mga naging bahagi ng muling pagbangon ng Philippine movie industry, isang special award din ang ibibigay sa gabi ng parangal – ang The EDDYS Box Office Heroes.
Igagawad ang special award kina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, Julia Montes, Kathryn Bernardo at Piolo Pascual.
Ang annual event na ito, na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas, na binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading broadsheet, top tabloid newspaper at online portals sa Pilipinas sa pangunguna ng presidente na si Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon at Pang-Masa.
***
SA Friday, June 14 na magsisimula ang 3-day TOYCON PH (The Philippine Toys, Hobbies and Collectibles Convention).
Ang TOYCON Evolution 2024 ay gaganapin sa SMX Manila, Pasay City, na hanggang June 16, araw ng Linggo.
Isa sa dapat abangan, ang pagbubukas ng Freddy’s Sari Sari Store ng Funko Funatic Philippines na kung saan mabibili ang Funko exclusive for TOYCON MNDSTYL FANX 2024, Freddy Funko – Funko Philippines.
Limited lang ito for 3,000 pcs. and available din ang Funko exclusive tee na limited to 500 pcs. at sa bibili ng Pop! or Tee, makakuha ng isang limited enamel pin, na ten design to collect, na distributed to other Funko retailers.
Required ang TOYCON ticket to purchase this item.
Mabibili ito sa SM ticket outlets or through this link: https://smtickets.com/events/view/13012
Ayon pa kay Nikko Lim, founder ng FFP, “100% of the proceeds will be used in our various Funatics Give Back charity drives.
“I suggest also, na everyday sila pumunta, not just one day, dahil iba-iba ang mangyayari. Different guest performers, may games and prizes, meet and greet. It’s a whole weekends event.
“Sa Friday, meron tayong ribbon cutting and opening at 10 a.m., nandun si Sir Rico Hizon at Janno Gibbs, na collector din.
“Jed Madela, our co-collector is also performing on Sunday.
“See you all there, Funatics!”
(ROHN ROMULO)
-
Panukala para sa madaliang pagbili ng bakuna aprubado sa Komite
Sa paghahangad ng mabilis na pagsugpo at pagpapahinto ng pagkalat ng virus mula sa COVID-19, na siyang dahilan ng pagkakalugmok ng ekonomiya ng bansa, at tumataas na bilang ng mga nasasawi na mga Pilipino, inaprubahan ng House Committee on Appropriations ang House Bill 8648 at HB 8649 o ang “Emergency Vaccine Procurement Act of 2021. […]
-
DILG, PNP gigisahin sa ambush at patayan
NAGPAHAYAG ng pagkabahala si House Speaker Martin Romualdez sa sunud-sunod na patayan sa iba’t ibang panig ng bansa kaya nagpasya itong ipatawag ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP). Ayon kay Romualdez, isang emergency hearing ang kanilang isasagawa ngayong Lunes bunsod ng sunud-sunod na ambush sa ilang […]
-
April opening target ng NCAA
Magdiriwang ang sports fans sa Abril sa susunod na taon dahil sabay-sabay na magbubukas ang malalaking torneo sa naturang buwan. Plano rin kasi ng NCAA na simulan ang Season 96 nito sa naturang petsa sakaling maging maayos na ang lahat. Makakasabay ng NCAA sa opening nito ang UAAP na una nang nagpahayag na […]