• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

May ‘good vision’ kahit baguhan lang sa pulitika… ARJO, dream talaga na maging isang mabuting public servant

HINDI na bagito sa acting si Migs Almendras. 

 

 

May acting experience na siya sa pelikula, TV, teatro at commercials.

 

 

Winner siya ng Best Actor Award mula sa ALIW para sa mahusay niyang performance sa stage play na ‘Under My Skin.’

 

 

Nakalabas na rin siya sa BL film na Hello Strangers. Sa ngayon ay part si Migs ng cast ng ‘The Broken Marriage Vow’ ng Dreamscape TV.

 

 

“Acting is a great job. I enjoy being challenged by the roles being given to me,” pahayag ni Migs na isa sa bida ng ‘Memories of a Love Story’, ang comeback ni Jay Alterejos sa Viva Entertainment.

 

 

“Kahit na anong role ang ibigay sa akin, I always do my best. Anything goes for me. Hindi naman sa hindi ako choosy sa roles pero tinitignan ko rin how a role will be able to help improve my acting skills. Bawat role kasi ay may dalang challenge. Kaya dapat pag-aralan mo how to attack it.”

 

 

***

ASIDE from being an award-winning actor, marami pang magandang katangian si Arjo Atayde.

 

 

While he is a showbiz personality, hindi naman siya “showbiz” pagdating sa pagtrato ng tao.

 

 

Despite his showbiz stature, totoong tao si Arjo kaya maraming taga-showbiz ang hanga at bilib sa kanya.

 

 

Maayos ang pagpapalaki kay Arjo ng mga magulang niya na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde. He is good natured, maganda ang values, marespeto sa kapwa and God-fearing.

 

 

He may be still young pero aggressive siya at passionate in anything that he wants to do.

 

 

Maaaring sabihing baguhan pa lang siya sa larangan ng politika, pero mayroon siyang good vision para sa mga constituents niya sa District 1 ng Quezon City, na tumatakbo siya bilang congressman.

 

 

Hindi siya ang tipong who will promise the moon and the stars pero sisikapin niyang gawin ang lahat para makatulong.

 

 

Ang dream ni Arjo ay maging isang mabuting public servant.

 (RICKY CALDERON)

Other News
  • “Demonyo”, 1 pa huli sa Caloocan drug bust, P110K droga, nasabat

    SA kulungan ang bagsak ng dalawang drug suspects matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng droga nang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Biyernes ng madaling araw.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas “Demonyo” at alyas “Jeng-Jeng”, kapwa […]

  • 2 TULAK TIMBOG SA P.7M SHABU

    DALAWANG umano’y notoryus drug pushers ang nalambat ng mga awtoridad matapos makuhanan ng higit sa P.7 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Norhern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong mga suspek na si Jessie Villazur, 36, ng J.A. Roldan St., […]

  • DTI Sec. Lopez, nagpositibo sa COVID-19

    Naka-isolate na si Trade Sec. Ramon Lopez, makaraang magpositibo ito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).   Mismong si Lopez ang nagkumpirma ng impormasyon, matapos niyang matanggap ang resulta ng ginawang pagsusuri. Agad namang nagsagawa ng contact tracing sa mga nakahalubilo ng kalihim, nitong mga nakaraang araw.   Kaugnay nito, pinawi ng opisyal ang pangamba ng […]