May iibahin sa Korean version ng ‘Start-Up’: BEA, excited nang mag-shoot dahil uniquely Filipino ang version nila ni ALDEN
- Published on March 10, 2022
- by @peoplesbalita
OPISYAL na ngang kinumpirma ng aktres na si Bea Alonzo sa kanyang Instagram account na siya ang gaganap sa Pinoy adaptation ng Start-Up.
Ang Start-Up ang isa sa nag-hit na k-drama noong nakaraang taon at gagampanan ni Bea ang role ng isa sa pinakasikat na Korean actress, si Bae Suzy.
Sa Instagram post ni Bea, although, pino-promote niya ang GMA Affordabox, sinabi niya na excited na siya sa gagawin nga niyang unang serye bilang isang Kapuso.
Aniya, “I’m thrilled to shoot my upcoming show on GMA, the Filipino adaptation of the Korean drama Start-Up!!
“Exciting ito dahil uniquely Filipino ang version natin.”
So ‘yun nga siguro ang sagot, ang sinabi ni Bea na “uniquely Filipino” ang version na gagawin nila. Meaning, iibahin at ‘di siguro kokopyahing buo ang Korean version. Alam namin, mahigpit sa mga ganito ang Korean production at ayaw na binabago ang adaptation.
May chance na ang character kaya ni Alden Richards bilang si Good Boy ang makakatuluyan ni Bea?
***
BAGONG-BAGO para sa Kapuso actress na si Bianca Umali ang role niya sa 2nd installment ng GMA primetime series na Mano Po Legacy ang ‘Her Big Boss’.
Aminado si Bianca na sa lahat daw talaga ng role na ginawa niya, ito ang pinaka-challenging role na ginawa na niya.
Sabi pa niya, “Ang hirap po pala ng energetic ka palagi. Yung palagi ka lang masaya, ha ha ha!”
Palagi raw niyang kinakausap ang director nila na si Direk Easy Ferrer para tanungin at humingi ng mga pointers. Malaking tulong din daw ang dalawang leading men niya na sina Ken Chan at Kelvin Miranda at ang iba pang cast.
Para naman sa mga producers ng Mano Po Legacy: Her Big Boss na sina Joey Abacan at Roselle Monteverde, ang 2nd installment daw na ito ay maituturing nilang “dream cast.”
***
ANG bagong Pinoy Pop girl group na Calista ang maituturing na pinaka-biggest face to face launch na naganap sa panahon ngayong pandemic.
Sobrang bongga ng launching nila na ginanap sa Novotel at sinuportahan din ng ilang mga sikat na celebrities tulad ni Billy Crawford at ang social media influencer na si Niana Guerrero.
Binubuo ng anim na miyembro ang grupo na pawang mga dumaan daw sa audition at sinala talaga hanggang sa mauwi nga sila sa final six. Nag-training ng anim na buwan sa mga kilala sa field ng dancing, singing at iba pa.
Although, halos lahat sila, masasabing may background na rin sa pag-arte at naka-appear na rin sa ilang serye at ang iba naman, naging beauty queen ang six girls na sina Olive, Laiza, Anne, Denise, Elle at Dain.
Five years ang kontrata nila sa manager na si Tyronne Esalante at passionate itong talaga na makilala ang grupo hindi lang sa bansa, kung hindi internationally talaga.
At bongga talaga dahil sa April 26, 2022 sa Smart Araneta ay magkakaroon sila ng Vax to Normal concert. Pero sa ngayon, mapapanood na sa YouTube ang debut single nila at MTV na “Race Car” na milyon ang inabot ng production.
(ROSE GARCIA)
-
Ads February 27, 2020
-
Suplay ng COVID-19 vaccine, hindi malayong kapusin sa first at second quarter ng taon –Galvez
HINDI malayong kapusin ang Pilipinas sa suplay ng COVID-19 vaccine sa first at second quarter ng taon dahil karamihan sa western vaccines ay ginagamit ng Europa at and the United States. Gayunman, kumpiyansa si Vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na ang Pilipinas ay may sapat na suplay ng bakuna para ngayong taon para […]
-
RIA, muli na namang napasabak sa pagbabalik-‘MMK’ kasama si JAKE, aabangan din sa series na ‘Viral’
MULI na namang napasabak sa pag-arte si Ria Atayde sa kanyang pagbabalik sa Maalaala Mo Kaya (MMK) after more than two years. Makakatambal niya si Jake Cuenca at makakasama nila si Malou de Guzman sa natatangi nitong pagganap sa episode ngayong gabi na may titulong “Monster In Law.” Si Jake ang gaganap […]