• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAY KAPANGYARIHAN BA ang mga LGU na MANGUMPISKA ng DRIVER’s LICENSE?

Wala.

 

 

Ayon sa DILG ay tanging LTO lang at ang mga deputized enforcers ng Ahensya ang may kapangyarihan na mag confiscate ng driver’s license.

 

 

Pero ayon sa Abogado ng Manila ay tuloy pa rin ang pagkukumpiska ng kanilang mga enforcers dahil sa ilalim ng Local Government Code ay may kapangyarihan ang mga LGU na ipatupad ang kanilang mga lokal ordinance.  At ayon sa ordinance 8092 ay maaaring mag confiscate ang mga traffic enforcers ng Manila.

 

 

Malaking problema ito dahil siguradong pagtatalunan ito ng enforcer at driver. ‘Yung enforcer sasabihin pinatutupad lang niya ang ordinansa ng lungsod. So ano ba talaga?

 

 

Ayon sa RA 4136 LTO lang at ang kanilang DEPUTIZED enforcer ang may kapangyarihan na mag confiscate ng driver’s license.

 

 

Nilinaw ito ng DILG- DOTC Joint Memo 1 2008 guidelines in the review of local ordinance concerning public transport.

 

 

Pero may basehan din ang LGU na ipatupad ang kanilang ordinansa ayon sa Local Government Code. Yun nga lang may LIMITASYON ang ordinansa ng LGU ayon sa RA 4136 NA BATAS:

 

 

“NO provincial board; City or municipal board or council shall enact or enforce ANY ORDINANCE OR RESOLUTION IN CONFLICT WITH THE PROVISION OF THIS ACT.

 

 

So ang tanong:

 

 

Ang pag confiscate ba ng lisensya ng HINDI DEPUTIZED NG LTO ay labag sa RA4136 dahil IN-CONFLICT ito sa sinasabi na LTO lang o deputized enforcer nila ang pwede mag confiscate ng driver’s license?  Malinaw na conflict.

 

Pero di ba ang ordinansa ay batas sa nasasakupan ng LGU?  Yes, kaya nga sa Memo dated Sept. 14, 2022 ng DILG ay may direktiba ang DILG sa mga LGU to review their ordinance.  So HABANG NIRE-REVIEW NG LGU ang ordinansa maari ba nila ipatupad ito? Yan ang ginagawa ng Manila ngayon.

 

 

Ang kawawa tuloy ay mga motorista at enforcers . Sila ang nagtatalu-talo sa baba.

 

 

Ano dapat gawin?

 

 

Pwede na ang Mayor ay mag issue ng direktiba na habang nire-review ang ordinansa ay sumunod sila sa DILG. At kausapin ang LTO tungkol sa pag deputize ng enforcers nila.

 

 

Paano kung ayaw ng Mayor? Dahil kung di sila makapag confiscate ano ang silbi ng traffic violation ticket ng LGU?  Walang hold ang LGU.

 

 

At paano naman ang motorista?  Alam nila na bawal mag confiscate ang hindi deputize ng LTO dahil sa batas.

 

Oo nga pala, may mga special circumstances na pwede i-confiscate ng MMDA ang lisensya tulad kapag may aksidente, gamit ng ibang tao, at iba pa na maari sanang ilabas ng MMDA bilang anunsiyo para malaman ng tao.

 

Meantime sa mga LGU. DAPAT ay sundin nila ang direktiba ng DILG Secretary dahil bilang alter ego ng Presidente, ang pagsuway dito ay pagsuway sa Presidente. At ang pagsunod dito ay pagsunod sa Presidente. (Atty. Ariel Inton Jr.)

Other News
  • Kapuso Royal Couple, nakabalik na from Eilat, Israel: DINGDONG at MARIAN, magsasama para mag-host ng year-end special ng GMA-7

    KAHAPON, December 15, bumalik na ang Kapuso royal couple na sina Dingdong Dantes  at Marian Rivera from Eilat, Israel, where the Kapuso Primetime Queen served as one of the all-female judges in the recently concluded 70th Miss Universe beauty pageant, na sinamahan naman siya ng hubby niyang si Kapuso Primetime King.      For sure ang […]

  • BIKER, PISAK ULO SA TRAILER TRUCK

    NASAWI ang  isang biker matapos magulungan ng trailer truck sa bahagi ng Raxabago St., Tondo, Maynila Huwebes ng umaga.     Sa ulat ng MPD-Traffic Enforcement Unit, nakilala ang biktima na si Rafoc Alvin Roxas, 39, nakatira sa no.05 BBS Navotas  Bagumbayan south Navotas.     Hawak naman ng pulisya ang driver ng trailer tractor […]

  • May rekomendasyon ang anak para ‘di na maulit: Pamilya ni EVA DARREN, tinanggap na ang apology ng FAMAS after ng ’snubbing’ incident

    TINANGGAP na ng pamilya ng veteran actress na si Eva Darren ang apology na pinadala ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences’ (FAMAS).         Nag-viral nga ang sinasabing hindi raw sinasadyang pang-i-snub sa awarding ceremony nitong Linggo na ginanap sa The Manila Hotel, na kung saan pinalitan ng baguhang singer si […]