May Pinoy na sa 11th World Cup sa Belarus sa Agosto 1
- Published on January 14, 2021
- by @peoplesbalita
TUTUKLASIN ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ang magiging pambato para sa $1,892,500 (P94M) 11th International Chess Federation (FIDE) World Cup 2021 sa Minsk, Belarus sa Agosto 1-28.
Kaugnay ito sa nakatakdang pagsasagawa ng pederasyon ng National Chess Championship sa mga papasok na buwan o bagong mag-deadline sa pagsusumite ng pangalan sa FIDE sa Hunyo 5.
“Top 100 countries all over the world were given wildcard seats and we will give that one spot to our national champion this year,” bigkas kahapon ni NCFP executive director Cliburn Orbe sa Facebook account.
Idinagdag pa niyang puwede pang madagdagan ang Pinoy bets sa kompetisyon sa pagpasa naman dapat sa mga nalalapit ding continental qualifying events.
Ang mga papasok sa 206-player World Cup ay may premyong $3,750 (P187,500) sa first round pa lang. At ang magiging hari naman ay magsusubi ng $110,000 (P5.5M). (REC)
-
ENTER THE RED DOOR, CATCH MIDNIGHT SCREENINGS OF INSIDIOUS: THE RED DOOR ON JULY 5
MIDNIGHT is the witching hour! Be among the first to see Insidious: The Red Door by booking tickets for July 5, at 12:01 am, in these participating cinemas: AYALA MALLS CINEMA GREENBELT 3 EVIA LIFESTYLE CENTER FISHERMALL CINEMA QC NOMO LIFESTYLE CENTER SM CINEMA BATAAN SM CINEMA CDO DOWNTOWN PREMIER SM CINEMA CEBU SM CINEMA CLARK […]
-
DENR SECRETARY KAKASUHAN NG MGA MAGSASAKA!
MAHIGIT sa 30 taong napagkaitan ng mga lupa ang may 1,000 magsasaka sa Palawan dahil sa paghahari ng pamilya ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga ay maghahain na ng kaso sa Office of the Ombudsman ang mga bumubuo ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK). […]
-
Ads August 19, 2022