• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maynilad at Manila Water may bawas-singil sa Enero

Epektibo sa Enero 1, 2021 ay magpapatupad ng bawas sa singil sa tubig ang dalawang water concessionaire na Maynilad at Manila Water sa milyon nilang customers sa Metro Manila at karatig lalawigan.

 

Ayon sa Manila Water, aabutin ng P0.14 kada cubic meter ang bawas nila sa singil sa tubig at sa Maynilad naman ay P0.05 kada cubic meter sa pagpasok ng Enero ng susunod na taon.

 

Ang bawas singil ay dulot ng “foreign currency differential adjustment” (FCDA) dahil lumakas ang piso kontra US dollar at Japanese yen.

 

Balik na ang normal na suplay ng tubig sa mga customer ng Maynilad Water na nakaranas ng water interruption dahil sa ginawang paglilinis ng basin na pinasok ng bulto ng putik ang kanilang planta sa La Mesa Dam sa Quezon City. (ARA ROMERO)

Other News
  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 45) Story by Geraldine Monzon

    TATALIKURAN sana ni Bernard ang babae ngunit bigla siya nitong niyakap mula sa likuran.   “Bernard please!”   Sa aktong iyon bumungad sa pintuan ng opisina si Angela.   “Bernard…”   Sabay na napalingon kay Angela ang dalawa. Mabilis na inalis ni Bernard ang mga kamay ni Regine na nakayakap sa kanya.   “Angela, sweetheart!” […]

  • PDu30, hindi papayagan na makapag-operate ang ABS-CBN

    IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi niya papayagan na mag-operate ang ABS-CBN kahit pa bigyan ng Kongreso ng bagong prangkisa ang Lopez-owned network.   Ang katwiran ng Pangulo, kailangan munang bayaran ng Lopezes ang kanilang buwis bago ipilit na makapag-operate.   Malaking kalokohan aniya na kaagad na payagan ng Kongreso ang network na […]

  • PDu30, umapela na magpabakuna na laban sa Covid -19

    UMAPELA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mamamayang Filipino na magpabakuna na laban sa Covid-19. Ito’y matapos pangunahan ni Pangulong Duterte ang pagsalubong, Huwebes ng gabi, pagsaksi at pagtanggap sa pagdating ng bakunang AstraZeneca mula sa COVAX Facility sa Villamor Air Base, Lungsod ng Pasay.   “On this note, I would like to appeal to […]