• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maynilad at Manila Water may bawas-singil sa Enero

Epektibo sa Enero 1, 2021 ay magpapatupad ng bawas sa singil sa tubig ang dalawang water concessionaire na Maynilad at Manila Water sa milyon nilang customers sa Metro Manila at karatig lalawigan.

 

Ayon sa Manila Water, aabutin ng P0.14 kada cubic meter ang bawas nila sa singil sa tubig at sa Maynilad naman ay P0.05 kada cubic meter sa pagpasok ng Enero ng susunod na taon.

 

Ang bawas singil ay dulot ng “foreign currency differential adjustment” (FCDA) dahil lumakas ang piso kontra US dollar at Japanese yen.

 

Balik na ang normal na suplay ng tubig sa mga customer ng Maynilad Water na nakaranas ng water interruption dahil sa ginawang paglilinis ng basin na pinasok ng bulto ng putik ang kanilang planta sa La Mesa Dam sa Quezon City. (ARA ROMERO)

Other News
  • Pinas naghahanda sa suplay ng oxygen

    Naghahanda ang Department of Health (DOH) sa posibilidad ng pagkakaroon ng panibagong ‘surge’ sa mga kaso ng COVID-19 dahil sa Delta variant kung saan nangangailangan ng mas maraming suplay ng oxygen.     Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mula nang magkaroon ng surge sa India ay nakaalerto na sila at naghahanda na […]

  • Ads June 25, 2021

  • Bakuna para sa COVID-19 baka magawa sa 18 buwan

    Sinabi ng World Health Organization (WHO) na posibleng magkaroon na ng unang bakuna laban sa novel coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos ang 18 buwan.   “It may be 18 months before the first vaccine is available, so we have to do everything today, using available weapons,” pahayag ni WHO director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus sa isang […]