Mayor Isko, paluluwagin ang Divisoria
- Published on December 4, 2020
- by @peoplesbalita
Nangako si Manila City Mayor Isko Moreno na gagawin ang buong makakaya para mapaluwag ang Divisoria na dinadagsa ngayon ng maraming tao para sa mga nais makamura sa kanilang mga Pamasko at mga negosyante na nagre-resell.
“We will put order in our own little and we will reinforce our effort na maglagay ng mga COVID marshall natin at additional enforcement unit para magpaalala, we will continue to remind to really care from themselves,” ayon kay Moreno sa pahayag ng DZMM.
Ngunit inamin ng alkalde na sadyang mahirap na pagbawalan ang tao na mapuno ang Divisoria dahil sa rami ng nais makatipid ngayong Kapaskuhan na pinalala pa ng kawalan ng tao ng gumastos dulot ng pandemya.
“Una, ‘di ko kayo mabibigyan ng garantiya na ‘di mag-overcrowd ang Divi(soria) dahil ang Divi ay puntahan ng mga mamimili hindi lang ng mga batang Maynila,” ayon sa alkalde.
“’Yan ay distributorship, maraming namimili para ibenta rin sa kanilang mga probinsya o lugar,” dagdag pa niya.
Nakagawa naman umano sila ng pagbabago sa Divisoria sa pagpapaluwag sa Recto Avenue at Juan Luna Street sa pagbabawal sa mga vendors doon. Iginiit niya na mananatiling walang obstruksyon sa naturang mga kalsada maging sa Soler Street.
Sa pagpapatupad ng Simbang Gabi, sinabi ni Moreno na wala siyang problema sa mga pinuno ng simbahan na nakikipagtulungan sa kanila ngunit ang inaalala niya ay ang mga tao sa labas ng simbahan kapag napuno na ang itinakdang kapasidad ng simbahan.
Nagpaalala na lamang siya na palagiang sundin ang ‘minimum health standards’ ng pamahalaan kabilang ang palagiang pagsusuot ng face masks at shields, physical distancing at iwasan ang pakikipag-usap lalo na sa mga hindi kakilala. (Gene Adsuara)
-
Milestone sa kanila ni Vaness na makasama sa serye: SEF, tumagaktak ang pawis nang sabay na maka-eksena sina DENNIS at BEA
TUNGKOL sa araw-araw na pinagdaraan ng Gen Z teens ang tema ng bagong GMA series na ‘Sparkle U.’ Tampok ang mga fresh faces ng Sparkle GMA Artist Center, tatalakayin sa unang episode ng ‘Sparkle U’ na #Frenemies ay ang cyber bullying at ang epekto nito sa nagiging biktima. Ilan sa cast […]
-
Bilang ng mga walang trabaho sa bansa, bumaba sa 2.76M – PSA
NAKAPAGTALA ang Philippine Statistics Authority (PSA) nang pagbaba sa bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa unang bahagi ng taong ito. Ito ay sa gitna pa rin ng patuloy na pagrecover ng bansa mula sa naging epekto ng COVID-19 pandemic. Sa idinaos na press conference ng naturang kagawaran kaninang […]
-
Mga senador na nagsasagawa ng senate inquiries, habol lang ay exposure- PDU30
INAKUSAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga senador na nagsasagawa ng mga Senate inquiries na habol lamang ng mga ito ay “exposure” dahil sa nalalapit na ang 2022 national elections sa bansa. Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, araw ng Sabado na may iba’t ibang […]