• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayor Jeannie, nagbigay ng tulong sa mga biktima ng sunog sa Malabon

NAGBIGAY ng tulong si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval sa 56 indibidwal o 15 pamilya na lubos na nasira ang mga tahanan sa naganap na sunog sa Flovi Homes, Phase 6, Letre, Barangay Tonsuya noong Linggo.
“Tuwing sumasapit ang bagong taon, may mga pagkakataong hindi naiiwasan ang ganitong mga insidente. Kaya nararapat lang po na tayo ay magdoble ingat lalo na sa ating mga appliances  at gadgets, gayundin ang mga paputok. Mayroong man hong mga naapektuhan sa sunog ay makasisiguro po kayo na ang pamahalaang lungsod ay palaging nakahandang tumulong, umagapay, upang kayo ay muling makabangon. Nandito lamang po kami para sa inyo,” ani Mayora.
Personal na kinamusta at inabot ni Mayor Jeannie ang family food packs na naglalaman ng bigas, kape, bottled water, noodles, at canned goods, at non-food items kasama ang hygiene kits sa mga nasunugan na nanatili sa Barangay Tonsuya.
Nauna nang nagbigay ang City Social Welfare and Development Department (CSWDD) ng maiinit na pagkain at modular tent sa mga pamilya. Naglagay din sila ng portalets sa lugar para sa kaginhawahan ng mga pamilya.
Ayon sa Malabon City Fire Station (MCFS), itinaas sa first alarm ang sunog dakong alas-2:36 ng hapon at naapula bandang alas-3:14 ng hapon kung saan anim na bahay ang natupok ng apoy.
Agad namang nagsagawa ng assessment ang CSWDD para matukoy ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya at sinabi nito na ang tulong pinansyal at shelter repair kits ay malapit nang ibigay sa mga biktima.
Pinaalalahanan ni Mayor Sandoval ang mga residente na manatiling mapagbantay at mag-ingat sa lahat ng oras. Kabilang dito at pagtiyak na nakapatay ang mga kandila kapag hindi ginagamit at ang pag-unplug ng mga de-koryenteng device at appliances upang maiwasan ang mga katulad na insidente. (Richard Mesa)
Other News
  • Alyssa Valdez matindi ang determinasyong makabalik sa paglalaro

    Matindi ang pagnanais ni Alyssa Valdez na makabalik sa wastong porma sa lalong madaling panahon para makasabak sa 6th Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa February at sa Cambodia 32nd Southeast Asian Games sa May.   Siniguro ng 29-anyos, 5’9’ ang taas na dalagang outside hitter ng Creamline sa kanyang mga tagahanga na ginagawa […]

  • NBI at PNP, hinimok na pukpukin ang mga kumikitang e-sabong operations sa bansa

    HINIMOK  ni Senador Ronald ‘’Bato’’ dela Rosa ang National Bureau of Investigation at Philippine National Police (PNP) na pukpukin ang mga kumikitang e-sabong (electronic cockfighting) operations sa bansa.     Kausap ni Bato ang abogadong si Rennan Oliva, kasalukuyang direktor ng NBI Cebu regional office, na binantaan umano ng kaso ni Negros Oriental 3rd district […]

  • EXHIBITION FIGHT NINA HATTON AT BARRERA TULOY NA SA HUNYO

    KINUMPIRMA ni retired boxing champion Ricky Hatton na ito ay magkakaroon ng exhibition match kay Marco Antonio Barrera.     Gaganapin aniya ang laban ng dalawa sa Hunyo 2 sa AO Arena sa Manchester, England.     Ang laban ay nakatakda sanang ganapin noong Pebrero subalit ito ay hindi natuloy.     Sa kanyang social […]