• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayor Tiangco: Covid-free pa rin ang Navotas

SA kabila ng mga tsismis na naglipana online, tiniyak ni Mayor Toby Tiangco sa mga residente ng Navotas na wala pa ring kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID19) sa lungsod.

 

Nilinaw ni Tiangco na ang lungsod ay may 13 na persons under monitoring (PUM) sa ngayon, 11 March, at lahat sila ay sumasailalim sa self-quarantine at regular na binibisita ng mga kawani ng City Health Office at Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT).

 

“Sa ngayon, may 13 na PUM sa Navotas pero nananatili itong COVID-free. Ang mga PUM ay may travel history sa lugar na may kumpirmadong kaso ng COVID19 o history of exposure sa nasabing sakit. Hindi sila nakikitaan ng palatandaan at sintomas ng sakit at sila ay isinasailalim sa self-quarantine,” paliwanag niya.

 

Ang mga persons under investigation (PUI) naman ay kapareho ng deskripsyon ng PUM ngunit sila ay may palatandaan at sintomas ng COVID19. Ina-admit sila sa ospital para sumailalim sa mas maraming test.

 

Sinabi rin ng alkalde na masugid na hinahanap ng Navotas Inter-Agency Task Force on COVID-19 ang mga residenteng maaaring apektado ng nasabing sakit.

 

Pinaalalahanan niya ang mga Navoteños na maaari silang tumawag sa 8281-1111 para mag-report o magtanong tungkol sa COVID19.

 

Umapela rin si Tiangco sa publiko na isagawa ang social distancing na ipinayo ng Department of Health para malimitahan ang pagkakataon na magkaroon ng close contact ang mga tao sa isa’t isa. Kabilang dito ang pag-iwas sa pakikipagkamay, pagyakap o pagpunta sa matataong lugar o aktibidad.

 

“Sinuspinde ni Pangulong Duterte ang mga klase hanggang March 14 bilang preventive measure para mapanatiling ligtas ang mga estudyante sa COVID19. Sa pagkansela ng klase at pagpapanatili sa kanila sa bahay, nalilimitahan ang pagkakataon na makikihalubilo sila sa iba at nababawasan ang panganib na mahawaan o mapalaganap nila ang sakit,” aniya.

 

Hinikayat din ng alkalde ang mga Navoteño na parating maghugas ng kamay sa loob ng 20 segundo, sundin ang tamang paraan ng pag-ubo o pagbahing, lumayo sa mga may sakit, at iwasan ang matataong lugar. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads April 15, 2023

  • RAP PARA LAMANG SA BAGONG BOTANTE

    LIMITADO lamang para sa mga bagong botante at transfer of registration registrants  ang inilunsad  na “register anywhere project” (RAP) ng  Commission on Elections (Comelec).     Sa  Comelec Resolution No. 10869, sinabi ng  Commission en banc na ang mga aplikasyon na ito ang  tatanggapin sa RAP booths sa limang malls sa Metro Manila.     […]

  • Olympic meeting kanselado, preparasyon naantala vs COVID-19

    KINANSELA ang gagawing sports conference ng mga Olympic stakeholder sa Beijing dahil sa coronavirus outbreak.   Dahil dito ang nasabing pagpupulong na gaganapin mula April 19 hanggang 24 ay gagawin na lamang sa Lausanne, Switzerland.   Magpapalitan kasi ng mga idea ang iba’t ibang sports governing bodies, tatlong buwan bago ang gaganaping Tokyo Olympics.   […]