• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAYOR TIANGCO NABAKUNAHAN NA NG 2ND DOSE

NAKUMPLETO na ni Navotas Mayor Toby Tiangco ang kanyang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) inoculation kasunod ng kanyang ikalawang dose ng CoronaVac, noong Lunes sa San Jose Academy.

 

 

“Fully vaccinated na po tayo matapos makuha ang ikalawang dose ng CoronaVac. 28 days ang hinintay bago makumpleto ang dalawang doses ng bakuna laban sa COVID-19. Kailangan pong makumpleto ang first at second dose para buo ang proteksyong ating matatanggap mula sa bakuna” ani Mayor Tiangco.

 

 

Hinimok ng alkalde ang mga Navoteños na makilahok sa programa ng pagbabakuna sa lungsod.

 

 

Binigyang diin din niya ang pangangailangan na makakuha ng pangalawang dose at fully vaccinated upang matiyak ang kumpletong proteksyon mula sa sakit.

 

 

Gayunpaman, di pa rin aniya 100% na di tayo magkakasakit ng COVID kapag bakunado na tayo. Ang bakuna ay nagbibigay sa atin ng proteksyon para di magkakaroon ng severe o malalang COVID at di manganganib maospital o mamatay.

 

 

Ipinaalala pa niya na kasabay ng pagpapabakuna, patuloy pa rin isagawa ang minimum health protocols para hindi mahawaan ng sakit. (Richard Mesa)

Other News
  • Imbestigasyon sa mga hindi nagamit na malapit ng mag-expire na COVID-19 vaccines, nagpapatuloy –Nograles

    PATULOY na nagsasagawa ng fact-finding investigation ang National Vaccination Operations Center (NVOC) kaugnay sa ilang COVID-19 vaccines na ipinamahagi sa ilang local government units na malapit ng mag-expire subalit hindi naiturok sa katatapos lamang na isinagawang vaccination drive Bayanihan, Bakunahan.   “We’re still doing a fact-finding investigation. Wala pa kaming [we still don’t have a] […]

  • Iba-iba ang naging reaksiyon ng netizens: PAUL, official nang inamin sa YouTube vlog na sila na ni MIKEE

    IBA-IBA ang naging reaksiyon ng netizens sa ini-upload na YouTube vlog ni Paul Salas.       Ito yung pagbabakasyon nila ng kapwa Kapuso star na si Mikee Quintos.       Merong mga nagulat at hindi inakala na ang dalawa pala ang magkarelasyon ngayon. Meron naman na nagbibilin kay Paul na alagaan daw si […]

  • MM provincial bus operations posibleng buksan

    May mga provincial bus routes papunta at galing sa Metro Manila ang puwede ng muling buksan kung saan sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kanilang ginagawaan ng paraan na mangyari.   Sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra na ang kanilang ahensiya ay naghahanda na para sa muling pagbubukas ng ilang provincial […]