• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mayor Tiangco, sinagot ang isinampang katiwalian sa kanya sa Ombudsman

Sinagot ni Navotas Mayor Toby Tiangco ang inihain na affidavit sa Ombudsman tungkol umano sa mga katiwalian na ginawa niya habang abala ang pamahalaang lungsod sa paghahanda sa mass vaccination laban sa COVID-19.

 

 

“Ayoko na po sanang bigyan pa ito ng panahon ngunit nadadamay po ang dangal ng ating pamahalaang lungsod kaya minabuti ko na po itong sagutin”, ani Mayor Tiangco.

 

 

Kahit sino naman aniya ay pwedeng maghain ng reklamo at hindi naman kailangang totoo ang ihahain na reklamo.

 

 

“Sanay na po ako sa ganitong klase ng pulitika. Hindi po ito makakasira sa ating layunin na gawin ang lahat ng makakaya para masiguro na ligtas ang bawat Navoteño at matulungan ang ating mga kababayan na makabangon mula sa pandemya”, dagdag niya.

 

 

Sa isyu ng korupsyon, ang Navotas ay binigyan ng COA ng limang magkakasunod na “unqualified opinion” ang pinakamataas na marka na binigay nila sa ahensya ng pamahalaan. Sa buong Metro Manila, ang Navotas lang ang may ganyang track record.

 

 

Katiwalian din daw ang hindi niya pag-report sa city hall kaya’t ang paliwanag dito ni Mayor Tiangco ay high risk siya dahil highly asthmatic at pinayuhan siya ng kanyang doctor na manatili sa bahay.

 

 

“Alam po ng pamahalaang nasyonal, kasama na ang IATF na nagtatrabaho po ako sa bahay. Alam din po ito ng ating mga kasama sa pamahalaang lungsod at ng mga barangay na araw-araw, Lunes-Biyerenes ay nakakasama natin sa meeting para pag-usapan ang mga hakbang at maproteksyunan ang ating mga mamamayan laban sa COVID-19 at matugunan ang iba pa nilang pangangailangan”, sabi pa ni Tiangco.

 

 

Aniya, ang COVID response ng Navotas, mula mas testing hanggang sa isolation at treatment ang ginawang halimbawa ng Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) team para sa iba pang LGU noong nag-ikot sila sa iba-ibang lugar sa bansa.

 

 

“Sa panahon ng pandemya, ang kailangan po natin ay pagtutulungan at pagkakaisa, hindi pamumulitika. Meron na tayong kinakaharap na COVID-19, wag nang dumagdag pa sa mga virus ng lipunan”, pahayag niya. (Richard Mesa)

Other News
  • P16-M fund, handa para sa pagpapa-uwi ng mga Filipino mula Gaza

    TINIYAK ng  Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga  Filipino na nais nang lisanin ang Gaza Strip na may  USD297,746 (P16 million) repatriation fund ang naka-standby para i-cover ang huling Filipino na magdedesisyon na magbalik-Pilipinas.     Sa ngayon, nakasara ang Rafah border crossing dahil sa “security reasons.”     “The embassy has a standby […]

  • 1st WNBL Draft 2021 idaraos sa Pebrero 7

    NAKAHANDA na ang lahat para sa 1st Women’s National Basketball League (WNBL) Rookie Draft 2021 sa darating na Linggo, Pebrero 7.     Mga kasalukuyan at dating kasapi ng Gilas Pilipinas o national women basketball team ang mga manguna at tiyak na maging top picks ds virtual event habang sinisimulan ng mga koponan ang proseso […]

  • IMBES na MULTAHAN o PARUSAHAN ang WALANG FACESHIELD, BAKIT HINDI BIGYAN ng INCENTIVE ang MAY FACESHIELD

    Humihirit pa rin ang IATF na dapat pa rin mag face shield dahil added layer of protection daw ito. Wala naman silang naipapakitang scientific basis para sa kanilang argumento.  Maraming mga opisyal mismo ng gobyerno at mga tao ang nagsasabing dagdag gastos lang ang face shield.     Bueno kung talagang yan ang rekomendasyon ng IATF […]