• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

McCOY, pinahanga ang mga nakapanood sa husay bilang teen YORME

NATULOY ang premiere night ng Yorme: The Isko Domagoso Story last Tuesday pero sa January na ito magbubukas sa mga sinehan.

 

 

Si Mayor Isko mismo ang kumausap sa producers na next year ipalabas. Gusto niya mas maraming youth and young adults ang makapanood at ma-inspire sa kwento ng kanyang buhay na sa kasalukuyan eh binabakunahan.

 

 

Gusto niya rin na nay direktibang mas malaki na ang audience capacity ng mga sinehan para mas marami pang tao ang makakapanood sa pelikula.

 

 

Bagamat hindi tuloy ang showing, may mga nakakasang blocked screening na efforts ng mga supporter ng main cast at marami rin ang naka-line up sa mula sa private groups na nanalig sa pelikula at YORME. Maganda ang audience turn out sa premiere night.

 

 

Present si Mayor Isko at sa isang TV news panayam, inamin nito na napaluha siya nung pinapanood ang pelikula kasi nga kahit pa nga musical ito, bumalik ang sa kanyang alaala ang kanyang mga pinagdaanan.

 

 

Present rin si McCoy de Leon at karamihan sa mga manonood ay impressed sa husay nito bilang teen YORME.

 

 

Sa Enero 26, 2022 na ito ipalalabas sa lahat ng mga sinehan sa buong Pilipinas.

 

 

***

 

 

SI Julienne “Jill” Ejercito, bunsong anak nina Precy Ejercito at former Senator Jinggoy Estrada ang kumanta ng campaign song ng kanyang daddy.

 

 

Jill is 15 at nasa junior high school. Six years old pa lang ay mahilig na siya sa pagkanta. Pero never pa siya sumali sa any singing.

 

 

Siyempre na-excite si Jill nang malaman na siya ang kakanta ng campaign song ng kanyang daddy.

 

 

Of course I felt happy and got so excited when my mom told me that I was going to sing for my dad’s campaign song. I asked help from my brother, Kuya Julian to assist me on my recording since he does recording,” wika ng dalagita.

 

 

Dream ni Jill to collaborate with Moira dela Torre at Zack Tabudo. Favorite actresses niya sina Jodi Sta. Maria at Bea Alonzo.

 

 

Hindi pa raw siya kung mag-aartista siya.

 

 

Jill describes her daddy Jinggoy as “makulit at mapagmahal.”

 

 

Gusto raw niyang makilala as a singer kasi “passion” niya raw ito.

 

 

Napakinggan namin ang campaign song as sung by Jillian at for a newbie singer, okay naman ang kanyang pagkanta.

 

 

Mas maganda siguro ang boses niya kung full song ang inawit niya at hindi jingle.

 

 

***

 

 

KABILANG sina Lani Misalucha at Ice Suguerra sa mga artists participating sa “HANDOG AT PASASALAMAT: Benefit E-Concert presented by A Teacher Party-list, slated on December 11, Saturday at 6pm.

 

 

“I chose to be part of the E-Concert because I know that ang mga proceeds nito ay ma pupunta sa mga nangangailangan na Kabataan, estudyante at teachers,” say ni Lani.

 

 

“Sana rin po ay maka panuod kayo dahil matutulugan po natin ang napakaraming bata na nangangailangan ng mga kagamitan para po sa eskwela. Kaya naririto po ako ngayon para mag reach out po sainyo na tulungan po ang A Teacher Partylist.”     

 

 

“Para sa mga guro na gumagabay sa mga kabataan, siempre full support at kasali talaga ako,” sabi naman ni Ice.

 

 

“Ang sarap mag-perform in this concert because I know kung gaano ka-dedicated ang A Teacher Party-List sa kanilang mission para sa buhay ng mga guro. They do their jobs and they do it well.

 

 

Working together in this benefit e-concert with Misalucha and Seguerra are Pinopela, a group of young musicians brought together by their shared love and talent for a cappella music who are now recognized in the international a cappella stage as a powerhouse group representative of pure Filipino talent; Tawag ng Tanghalang Season 2 grand finalist Sofronio Vazquez III; alternative band Love Commercial and the youth chorale group Saint Vincent Ferrer Parish Church Angelico Voce Chorale.”

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Pareho na silang masaya sa kani-kanilang buhay: JASON, never sumagot at naapektuhan sa pamba-bash dahil kay MOIRA

    SA Palawan na nakabase si Jason Hernandez, ang dating karelasyon ni Moira dela Torre.     “Pumunta ako dun. Dapat vacation lang. Now I’m staying for the last seven months. Tapos, ang dami kong naging tropa dun, dami kong naging kaibigan.     “Dun ko na-realize na you don’t need a lot of things pala […]

  • Kampo ni BEA at GMA-7, nagtataka sa lumabas na ‘fake news’ na may offer para maging isang Kapuso

    NAGTATAKA ang manager ni Bea Alonzo, even ang mga taga–GMA Network, sa balitang may offer sila sa aktres para pumirma sa kanila ng contract at maging isang Kapuso.      Fake news iyon, dahil sa ngayon ay committed lamang si Bea para sa movie na gagawin nila ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards, ang A […]

  • CCP, QEFF TO STREAM FILMS ABOUT AUTISM, DEPRESSION, AND DEMENTIA FOR FREE

    THE Cultural Center of the Philippines and the Quisumbing-Escandor Film Festival for Health partner to bring awareness to mental health and health- related issues in the country through “Balik Tanaw,” a free film online screening.   From October 23-30, films on Autism Spectrum Disorder, Depression, and Dementia will be screened on the CCP Vimeo channel […]