• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MEDICAL MARIJUANA – MALINAW SA MARAMI, MALABO SA IILAN.

MAGSASAMPUNG taon na ang adbokasiya para sa legal na paggamit ng medical marijuana dito sa Pilipinas ngunit marami pa rin ang hindi lubos na nakakaunawa sa benepisyo nito.

 

 

Milyun-milyong pasyente bawat taon ang natutulungan nito sa maraming bansa, ngunit hindi pa rin malinaw para sa ilan sa Pilipinas ang isyu sa bagay na ito.. Kasama na dito ang ilang mga medical organizations. Kung anu-ano ang dahilan ng kanilang matinding paglaban sa mga panukalang batas na inihain sa kongreso.

 

 

Batay sa mga committee hearings at mga pampublikong forums kamakailan, hindi pa rin nadadagdagan ang kanilang kaalaman o nagbabago ang kanilang posisyon. Naiwan pa din sa taong 1961 ang kanilang kaalaman at kaisipan.

 

 

Umano’y hindi na dapat gumawa ng bagong batas para lamang sa medical marijuana, sapagkat mayroon ng legal na paraan para makakuha nito mula sa ibang bansa – ang compassionate special permit (CSP). Ang problema, kailangang dumaan sa butas ng karayom para makahanap ng doktor na magrereseta. At iyong kaisa-isang nabigyan ng nasabing permit, hindi pa rin makabili dahil hindi kaya ang presyo at proseso.

 

 

Yong mga may malubhang epilepsy lang ang puwedeng mabigyan ng CSP. Hindi kabilang ang may cancer, chronic pain, at multiple sclerosis, kahit na aprubado na ang medical marijuana para sa kanila.  Hanggang sa ngayon, Hunyo 2023, ay wala ni isa man sa Pilipinas ang nakagamit ng medical marijuana sa pamamagitan ng CSP.

 

 

Ayon sa mga tinaguriang eksperto, ang marijuana umano ay nakakasira ng isip, nakakapurol ng utak, sanhi ng aksidente sa daan, at “gateway” para sa ibang droga. Kahit na sa non-medical users, ang mga bagay na ito ay hindi pa napapatunayan. Sigurado umano itong mangyayari kung dito gagawin ng gobyerno ang medical marijuana. Minamaliit nila ang ebidensya na nakakagamot ito, samantalang pinapalaki ang umano’y masamang epekto nito.

 

 

Ayon sa panukalang batas, ang medical marijuana ay gagawing capsule o oil. Ito ay irereseta ng doktor na may PDEA S2 license. Ito din ay matatagpuan lamang sa tertiary hospitals katulad ng PGH at East Avenue Medical Center.

 

 

Isa pang idinadahilan ng mga nasabing organisasyon ang kasabihang Latin na “Primum Non Nocere” o “First, Do No Harm”. Ayon sa mantrang ito, hindi na baleng hindi makatulong, huwag lang makapaminsala. Subali’t kaliwa’t-kanan ang pagreseta ng mga nakakamatay na painkillers at sleeping pills. Samantalang mismong si Catriona Gray, alam na mas malala pa ang alak at sigarilyo kaysa marijuana.

 

 

Umano’y ang lokal na paggawa ng murang alternatibo ay isang “human experiment”. Lingid sa kanilang kaalaman, libong taon na itong ginagamit bilang gamot. Ang bayani at noo’y pinakatanyag na doktor sa Pilipinas na si Dr. Jose Rizal, ang nagsabing nabibili sa lokal na botika ang katas ng marijuana noong panahon nya. Ito din ay ginagamit ni dating US President Barrack Obama, Arnold Schwarzenegger at maging ni Dalai Lama.

 

 

Ang tanging hiling lamang ng mga nasa adbokasiya (mga pasyente, taga-pangalaga, doktor, abogado, atbp) ay makagawa ng katumbas na generic ng mga gamot mula sa marijuana at hindi piliting umangkat sa ibang bansa. Madami na ang nakakaunawa at sang-ayon dito.

 

 

(Si Dr. M ay isang lisensyadong doctor, researcher, at international lecturer ng Medical Marijuana.)

Other News
  • NABIGAY ng ayuda sa mga mangingisdang Navoteño ang tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez at Tingog Party List

    NABIGAY ng ayuda sa mga mangingisdang Navoteño ang tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez at Tingog Party List sa pangunguna ni Rep. Yedda Romualdez at Rep. Jude Avorque Acidre. Nasa 1000 benepisyaryo ang nabigyan ng tig-P5000 sa ilalim ng AICS habang 50 naman ang nabigyan ng 22-footer na bangka na mayroong 16hp engine, lambat, at […]

  • IMBENTOR ng SEATBELT DAPAT TULARAN sa PANAHON ng PANDEMYA ILIGTAS MUNA ANG PILIPINO BAGA MAGNEGOSYO

    Sa ngayong panahon ng pandemya, may makukuha tayong aral kay Nils Bohlin ang imbentor ng V type 3 point safety seatbelt lalo na at nakalulungkot na may mga taong negosyo at politika ang inuuna kaysa sagipin ang buhay ng kapwa.  Si Bohlin ay isang inhinyero ng Volvo na isang car manufacturer. Naimbento niya ang seat belt […]

  • DOTr, tataasan pa hanggang P260-K ang subsidiya para sa mga modern jeepney

    INIHAYAG  ng Department of Transportation (DOTr) na plano nitong taasan pa ang equity subsidy para sa tsuper ng mga public utility vehicles ng hanggang Php260,000.     Ito ay upang mabigyan sila ng pondo at pagkakataon na makabili ng mga e-jeepney para sa ipapatupad na PUV modernization program ng pamahalaan.     Paliwanag ni DOTr […]