• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mekaniko kalaboso sa motornaper

ARESTADO ang isang mekaniko matapos makumpiska sa kanya ang tatlong nakaw na motorsiklo sa isinagawang Simultaneous Enhanced Managing Police Operation (SEMPO) ng mga pulis sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si Neilmar Sinepete, 24 ng Phase 7-B, Block 1, Lot 18, Package 3, Brgy. 176, Bagong Silang.

 

Ayon kay NPD District Anti- Carnapping Unit (DACU) chief P/ Maj. Jessie Misal, unang i- nireport sa kanila ng mga biktimang si Rose Marie Busa, 23, at Jeno Ponce, 28, fast food crew, kasama ang kanilang mga saksi ang pagkawala ng kanilang mga motorsiklo habang nakaparada sa labas ng kanilang bahay.

 

Nakipag-ugnayan ang mga operatiba ng NPD-DACU sa Caloocan Police Sub-Station 9 at Sub-Station 13 at sa isinagawang imbestigasyon ay nakilala ang suspek kaya’t kaagad itong pinuntahan ng mga pulis sa kanyang bahay.

 

Pagdating sa naturang lugar, namataan ni Busa ang kanyang motorsiklo subalit nang mapansin ng suspek ang presensya ng mga operatiba ay agad itong tumakas papasok sa kanilang compound na naging dahilan upang magkaroon ng hot-pursuit operation hanggang sa makorner si Sinepete.

 

Narekober ng mga pulis ang tatlong nakaw na motorsiklo kabilang ang motorsiklo ni Busa at Ponce habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng dalawang kasabwat umano ng suspek.

 

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10883 (New Anti- Carnapping Law of 2016). (Richard Mesa)

Other News
  • Tiangco brothers, nagpasalamat kay PBBM sa paglagda ng RA 12052

    NAGPAABOT ng kanilang pasasalamat sina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa paglagda nito sa Republic Act No. 12052, na nagbibigay daan para sa pagtatatag ng tatlong karagdagang sangay ng Regional Trial Court at dalawang sangay ng Metropolitan Trial Court sa Navotas.     “We thank President […]

  • Vaccination itataas sa 100% ng populasyon

    Maaaring itaas ng pamahalaan ang kanilang COVID-19 immunity target mula 70% hanggang 100% ng populasyon ng bansa dahil sa patuloy na pagsulpot ng mga COVID-19 variants.     Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, unang itinakda ang 70% herd immunity target para lamang bigyang-proteksyan ang publiko sa mga tao mula sa severe infection ng orihinal […]

  • PBBM, magkakaroon ng anim na bilateral meetings sa sidelines ng APEC summit

    MAY anim na bilateral meetings ang dadaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Thailand.     “Yes, the President is having bilateral meetings with six counterparts. The arrangements are still being finalized so I’m not at liberty to disclose yet at this time which economies and leaders […]