• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MEKANIKO, PATAY, 2 SUGATAN, 6 NA SASAKYAN NASIRA

NASAWI ang isang 24-anyos na mekaniko habang sugatan ang dalawa pang trabahador at nasira ang anim pang sasakyan  nang araruhin ng isang dump truck ang isang container van na nagsisilbing barracks ng mga trabahador sa Carmona, Cavite Martes ng hapon.

 

 

Pawang isinugod sa Carmona Hospital and Medical Center ang mga biktimang sina Anicor Yuson y Ecot, binata, isang mekaniko ng B7 L11, Roseville Subd., Camarin, Caloocan City; Jerome Carlos y Montilla, 38, isang helper ng Governor’s drive, Mabuhay, Carmona, Cavite at Rodolfo Ibañez y Sales, 50, isang carpenter/helper and  resident ng  Purok 2, Brgy. Langkiwa, Biñan, Laguna subalit hindi na umabot ng buhay si Yuson.

 

 

Kinilala naman ang driver ng dump truck na si   Leonardo Sanggalan Jr y Belando, Filipino, male, 24 y/o, driver and a  resident of Calevity St., Suñiga Farm, San Jose, Rodriguez, Rizal.

 

 

Sa ulat ni Corporal Rommel Samorin ng Carmona Police Station, minamaneho ni Sanggalan ang isang Shackman dump truck na may plakang NFU 5807 habang binabagtas ang kahabaan ng Governor’s Drive patungo sa Binan City dakong alas-3:40 kamakalawa ng hapon pero pagsapit sa Brgy Mabuhay, Carmona, Cavite nang nawalan ng break ang kanyang sasakyan at inararo ang isang container van na nagsisilbing barracks ng mga trabahador ng Ekspertow Corporation.

 

 

Dahil dito, nag-collapsed ang nasabing container van at tumama sa ilang trabahador na noon ay nagtratrabaho malapit sa lugar.

 

 

Bukod sa mga trabahador na nabagsakan ng barracks, nasira din ang anim na sasakyan kabilang ang (4) motorcycles, one (1) Honda Civic sedan, isang  Mitsubishi L300 at apat na motorsiklo na nakaparada malapit sa lugar.

 

 

Isinugod sa ospital ang mga nasugatan subalit hindi na umabot ng buhay si Yuson. GENE ADSUARA

Other News
  • Negosasyon ng pamahalaan sa Pfizer, nagiging mabusisi

    SINABI ng gobyerno na lawyer to lawyer ang magiging transaksiyon sa kasalukuyan ng gobyerno sa kumpanyang Pfizer.   Ayon kay Vaccine czar Secretary Carlito Galvez , itoy dahil na rin sa mahigpit na patakaran ng Pfizer lalo na sa isyu ng indemnification.   Sa kasalukuyan ay halos tapos na ang negosasyon sa pitong kumpanyang maaaring […]

  • 1.5-M pang Sinovac COVID-19 vaccine doses, dumating sa PH

    Karagdagang 1.5 million pang doses ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccine na gawa ng Sinovac ang dumating sa Pilipinas kahapon, Huwebes.     Kabilang sa pinakabagong shipment na ito ang 500,000 doses na binili ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc., na siyang pinaka-unang batch ng COVID-19 vaccines na dumating sa […]

  • Tiger Woods, umatras sa mga sasalihang torneyo matapos sumailalim uli sa back surgery

    Napilitan si golf superstar Tiger Woods na umurong muna sa mga lalahukan sana nitong torneyo makaraang sumailalim muli sa back surgery.     Una rito, inanunsyo ng kampo ni Woods na sumalang ito kamakailan sa isang microdiscectomy surgery para tanggalin ang pressurized disc fragment sa kanyang likod.     Kaya naman, hindi muna maglalaro si […]