• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Meralco, may rollback sa singil ng kuryente ngayong buwan ng Mayo

INANUNSIYO  ng Manila Electric Company (Meralco) ang pagpapatupad ng rollback sa singil ng kuryente para ngayong buwan ng Mayo.

 

 

Ito ay kasunod ng dalawang buwang trend ng mataas na electricity rate matapos na ipag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pag-refund ng nasa P7.8 billion mula sa excess collections makaraan ang isinagawang validation sa ikatlong regulatory period tariffs ng Meralco para sa period mula July 2011 hanggang June 2015.

 

 

Ayon sa Meralco, bumaba ng 12 centavos hanggang P10.0630 kada kilowatt-hour ang overall rate para sa isang typical household mula sa dating P10.1830/kWh noong buwan ng Abril.

 

 

Ang refund sa distribution-related charges ay katumba ng hanggang P0.4669/kWh para sa residential customers.

Other News
  • Ads September 19, 2024

  • Zero COVID-19 positive itinala ng NBA

    Ibinunyag ng National Basketball Association (NBA) na walang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kanilang pinakahuling testing bago ang opisyal na restart ng liga sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.   Dumating ang mga manlalaro sa quarantined bubble upang muling simulan ang liga matapos mahinto noong Marso dahil sa coronavirus outbreak.   Lalaruin […]

  • PBA 2nd conference tuloy!

    Tuluy na tuloy na ang pagdaraos ng second conference ng Philippine Basetball Association (PBA) Season 46 kung saan masisilayan ang matitikas na foreign imports.     Ito ang inihayag ni PBA commissioner Willie Marcial na inaprubahan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang special permit para sa mga fo­reign imports na darating sa bansa. […]