• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Metro Manila malapit ng magkaroon ng 6 police districts

MALAPIT ng magkaroon ng anim na police district ang National Capital Region (NCR) kasunod ng panukalang Caloocan City Police District (CCPD) na nangangailangan lamang ng green light mula sa National Police Commission (Napolcom).

 

 

Ayon kay City Police Station chief Col. Ruben Lacuesta na ang panukala ay matagal nang isinumite ng mga nakatataas sa Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame at National Capital Region Police Office (NCRPO) bago sa Napolcom.

 

 

“Naghihintay na lamang ang PNP ng paborableng tugon mula sa Napolcom na nangangasiwa at kumokontrol sa una,” ani Lacuesta.

 

 

“Kung mangyayari iyon, malapit na tayong magkaroon ng Caloocan City Police District na hiwalay sa NPD na may hurisdiksyon din sa iba pang mga kalapit na lungsod ng Valenzuela, Malabon at Navotas,” dagdag niya.

 

 

Sinabi ni Lacuesta na ang mga nauna sa kanya ang nagtulak sa Caloocan na magkaroon ng sariling police district at ipinaliwanag din niya na ang lungsod ay lubos na kuwalipikado dahil sa lawak ng lugar at populasyon nito, bukod sa iba pa.

 

 

Sa katunayan, sinabi niya na ang mag-amang sina Caloocan District 1 Rep. Oscar ‘Oca’ Malapitan at Mayor Dale Gonzalo ‘Along’ Malapitan ay nagtulungan para sa pagtatayo ng modernong apat na palapag na gusali at isa pang tatlong palapag na istraktura para sa punong-tanggapan ng pulisya at bumbero.

 

 

“Siguro sa susunod na buwan, ang kasalukuyan at lumang mga gusali ng pulis at bumbero na magkatabi ay ganap nang gibain para bigyang daan ang bago at modernong headquarters,” ani Lacuesta na ang pamunuan ay tumanggap ng iba’t ibang pagkilala at parangal para sa “Best Police Station” sa NCR at pinakamataas na ranggo sa may pinakamaraming bilang ng mga naarestong drug personalities at nakumpiskang milyun-milyong pisong halaga ng iligal na droga.

 

 

Nagpahayag naman siya ng pasasalamat sa mga Malapitan sa pagtupad sa kanilang pangako na tumulong sa pagtatayo ng modernong police headquarters dahil luma na ang kasalukuyang gusali habang kalahati nito ay wala nang tao matapos ang naganap na sunog ilang taon na ang nakakaraan.

 

 

Binanggit ni Lacuesta ang mga bentahe ng lungsod na magkaroon ng sariling distrito ng pulisya ay tulad ng pagbibigay ng mas maraming pulis o higit sa 3,000 tauhan upang tumugma sa bilang ng mga residente at pagtatayo ng mas maraming unit at police substation

 

 

Sa kasalukuyan, mayroong limang distrito ng pulisya, na nasa ilalim ng direktang pangangasiwa ng NCRPO, ito ay, Manila Police District, Quezon City Police District, Southern Police District (SPD), Eastern Police District (EPD) at NPD. (Richard Mesa)

Other News
  • TAKE A SNEAK PEEK AT THE RESIDENTS OF HWANG GUNG APARTMENTS IN THE CHARACTER TRAILER FOR “CONCRETE UTOPIA” (PART 2)

    RULES for survival: Obey or leave. Watch the character trailer for Concrete Utopia.  The critically acclaimed film is now showing in Philippine cinemas. https://youtu.be/1vY5TwZaRb0 Get to know more about the characters of Concrete Utopia and the actors and actresses that portrayed them, as described by director Um Tae-hwa. GEUM-AE, the head of Hwang Gung Apartments women’s association Played […]

  • PINOY SKATERS, POKUS SA TOKYO OLYMPICS

    HINDI naging balakid ang malaking kawalan ng world-class training facility sa bansa, dahil sa ‘di matatawaran ang kahusayan ng Pinoy skateboarders na patuloy na namamayagpag sa kasalukuyan.   Sinabi ni Carl Sembrano, bagong halal na pangulo ng Skateboarding and Rollerskates Sports Association of the Philippines (ARSAP), malaki ang tsansa ng mga Pinoy na mapasabak sa […]

  • 90 percent ng license plate backlogs, target tapusin ng LTO sa December 2023

    TARGET ng Land Transportation Office (LTO) na matapos ang kahit hanggang 90-porsyento ng produksyon ng backlogs sa mga plaka ng sasakyan sa katapusan ng 2023.     Ayon kay LTO Chief  Teofilo Guadiz III, gagamitin ng LTO ang sariling planta nito upang makagawa ng mga plaka kahit ilang porsyento ng kabuuang kakulangan bago matapos ang […]