Mga anak ni Putin, matataas na opisyal ng Russia at kanilang mga kaanak, kasama sa bagong sanctions ng U.S. sa Russia
- Published on April 8, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI na rin nakaligtas ang mga anak na babae ni Russian President Vladimir Putin matapos na magpataw pa ng panibagong mga sanctions ang Estados Unidos sa Russia.
Kaugnay pa rin ito sa mas lumalalang sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Target ng mga bagong sanctions na ito ang mga anak ni Putin na sina Mariya Putina at Katerina Tikhonova, gayundin ang iba pang miyembro ng Russian elite, kabilang na asawa at anak ni Foreign Minister Sergei Lavrov, Russian Prime Minister Mikhail Mishustin, at former president at prime minister Dmitry Medvedev.
Kabilang din ang Sberbank, na pinakamalaking financial institution ng Russia, at ang Alfa Bank, na pinakamalaking bangko sa Russia sa mga pinatawan ng mas pinaigting pang mga kaparusahan.
Bukod dito ay magsasagawa din ng aksyon ang Treasury Department na hahadlang sa bagong investments U.S. entities sa Russia, at magpapataw din ito ng bago at malawak na mga parusa sa ilang negosyong pag-aari ng estado.
Nakatakda namang lagdaan ni U.S. President Joe Biden ang isang executive order na magbabawal sa mga bagong investment ng sinumang U.S. person sa Russia.
Samantala, inaasahan naman na ia-anunsyo na ng European Union ang kanilang magiging desisyon hinggil sa rekomendasyong ipagbawal na dito ang coal imports mula sa Russia bilang bahagi ng plano ng Western allies na pigilan ang Moscow na kumita upang tustusan ang ginagawang pagsalakay nito sa Ukraine.
-
Napunit ang Achilles heel sa shoot ng movie: Sen. BONG, humingi ng dasal sa publiko dahil baka maoperahan
SA kanyang Facebook live ay humingi ng dasal si Senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. sa publiko dahil baka maoperahan. Napunit kasi ang kanyang Achilles heel sa shoot ng entry niya para sa Metro Manila Film Festival, ang Alyas Pogi 4. May eksena kasi na tumakbo siya ng ubod nang bilis kaya ayun, napunit […]
-
Toll holidays sa SLEX at ibang tollways
MAGBIBIGAY ng toll holidays ang San Miguel Infrastructure sa South Luzon Expressway (SLEX), Southern Tagalog Arterial Road (STAR), Skyway, Ninoy Aquino International Airport Expressway at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway ngayon Christams at New Year Holidays. Ayon kay SMC president Ramon Ang, ang toll holiday ay ipapatupad sa Dec. 24 simula 10:00 ng gabi hanggang […]
-
EJ Obiena target na gumawa ng panibagong record sa susunod na taon
HINDI nawawalan ng pag-asa si Pinoy pole vaulter EJ Obiena na makamit ang mga target na record para sa sarili. Sinabi nito na kapag tuluyan ng itong gumaling mula sa kaniyang injury sa likod ay handa na nitong mahgitan ang kaniyang 6.00 meters na record. Ang nasabing record kasi ay kaniyang […]