• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga aplikasyon sa voters registration, hiniling ng reactivation

KABILANG  sa mahigit dalawang milyong aplikasyon na natanggap ng Commission on Elections para sa voter registration ang mga bagong botante na humiling ng reactivation  na paglilipat ng voter registration.
Ayon sa Comelec Election and Barangay Affairs Department-Precinct Division Atty. Jennifer Felipe., ito ay mula nang magsimula  ang voter registration noong nakaraang Pebrero.
Hinimok naman ng Comelec ang mga botante na huwag nang hintayin ang last-minute at magparehistro na bago ang deadline sa Setyembre 30.
Kaugnay nito, ang pilot internet voting para sa overseas Filipinos para sa 2025 elections ay nakatakda upang mahikayat ang mas mataas a voter turnout.
Noong 2022,  nasa 600,000 lamang ng 1.6 milyong rehistradong overseas Filipino voters ang bumoto.
Nitong unang bahagi ng buwan, nagsagawa ang komisyon ng pangalawang round ng bidding para sa P465.8 milyong Online Voting and Counting System (OVCS) , ang pangalawang pinakamalaking kontrata para sa susunod na botohan. GENE ADSUARA 
Other News
  • NAG-IWAN NG MATANDANG BABAE, HAWAK NA PULIS

    HAWAK na ng Manila Police District Special Mayor Reaction Team o MPD Smart ang ilang indibidwal na sinasabing nang iwan sa isang matandang babae sa MacArthur Bridge sa Maynila.     Ayon kay P/Major Jhun Ibay, hawak nila ngayon ang isang Emerita Desilio at Efraim Tan Yap.     Depensa naman ni Desilio, napag-utosan lamang […]

  • VICE GANDA, na-excite pa sa kissing scene ni ION sa sexy-comedy film

    ALAM na alam daw ni Vice Ganda ang magiging kissing scene sa pagitan ng boyfriend na si Ion Perez at sa pinu-push ng VIVA na bagong artist na si Sunshine Grimary.     Nabasa raw niya ang script at hindi na raw kailangan pang magpaalam si Ion sa kanya.          “Siyempre alam ko […]

  • Transportasyon sa NCR mananatiling 50% capacity kahit ECQ

    Mananatiling 50% capacity ang mga transportasyon sa land, air at sea sa loob ng dalawang (2) linggong may enhanced community quarantine (ECQ) sa kalakhang Metro Manila simula ngayon hanggang August 20.     Pinayagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr) na panatilihin […]