Mga bagong EDCA sites, nakakalat sa buong bansa
- Published on March 23, 2023
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakakalat sa iba’t ibang lugar sa Pilpinas ang mga bagong sites na magho-host sa American troops sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Sa katunayan, matatagpuan ang mga bagong EDCA sites sa Palawan at sa hilaga at katimugang bahagi ng bansa.
Tinuran ng Pangulo na ang mga bagong sites ay na-identify na kung saan ang pormal na anunsyo ay gagawin sa lalong madaling panahon.
“We’ll make a formal announcement. But yes, they have been identified,” ayon kay Pangulong Marcos, sabay sabing makikipag-ugnayan muna sila sa American authorities.
“So there are four extra sites scattered around the Philippines. There are some in the north, there are some around Palawan, there are some further south. So iba-iba talaga. It’s really to defend our eastern coast,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.
Matatandaang, nauna nang inanunsyo ng Department of National Defense (DND) ang deal o kasunduan na magbibigay ng access sa mga tropa ng amerikano sa apat pang bases sa strategic areas ng bansa, layon nito na pabilisin ang full implementation ng EDCA.
Tinintahan noong 2014, “EDCA grants US troops access to designated Philippine military facilities, the right to construct facilities, and pre-position equipment, aircraft and vessels, but rules out permanent basing.”
Samantala, sinabi ng Pangulo nakausap na ng gobyerno ang mga local government units na nagpahayag ng pagkabahala sa paggtatatag ng EDCA sites sa kanilang lokalidad.
“We explained to them why it was important that we have that and why it will actually be good for their province. And mukha namang naintindihan nila,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Nauna rito, sinabi ni Defense officer-in-charge Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr. na ang lokal na pamahalaan sa Cagayan at Camarines Sur provinces ay bukas sa pagtatatag ng mga bagong EDCA sites sa kanilang lugar.
Ang limang kasalukuyang lokasyon ng EDCA ay Antonio Bautista Air Base sa Palawan, Basa Air Base sa Pampanga, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Mactan-Benito Ebuen Air Base sa Cebu, at Lumbia Air Base sa Cagayan de Oro City. (Daris Jose)
-
For the first time in decades: TITO, VIC at JOEY, muling nagsama-sama para sa isang endorsement
FOR the first time in decades, muling magsasama-sama ang TVJ sa isang endorsement. Puregold made it happen! Makikita sa larawan kasama ni Aling Puring, ang brand icon ng Puregold, ang grupo nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, na pumirma ng kontrata bilang pagpapatuloy sa kolaborasyon kasama ang kompanya. […]
-
Kotse nahulog sa dagat, mag-asawa patay sa lunod
PATAY ang mag-asawa matapos na malunod ang mga ito nang mahulog ang sinasakyan nilang kotse sa dagat, kahapon (Biyernes) ng madaling-araw sa Ozamiz City, Misamis Occidental. Nakuha pang dalhin sa MHARS Hospital ang mag-asawang biktima na nakilalang sina Ferdinand, 48, at Teresita Jalasan, 47, residente ng Cotta Area, Barangay Triunfo ng nasabing lungsod subalit […]
-
Johnson, 3 iba pa gigil na sumabak
ATAT nang sumalang ang apat na mga bagong import sa kabuuang 12 mga masisilayan sa pagsisimulang muli ng 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021-22 Governors’ Cup elimination round ngayong Biyernes, Pebrero 11 sa Araneta Coliseum, Quezon City. Ang grupo na mga bagong reinforcement ay sina Orlando Johnson ng San Miguel Beer, Jamel Artis […]