Mga bagong PBBM appointees sa PAO, DENR, DPWH, DOF pinangalanan ng Malakanyang
- Published on November 15, 2024
- by @peoplesbalita
PATULOY na pinupunan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang iba’t ibang ahensiya at tanggapan ng gobyerno.
Sa katunayan, naglabas ang Malakanyang ng listahan ng mga bagong Presidential appointees.
Itinalaga ni Pangulong Marcos si Michael Villafranca bilang Assistant Secretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Itinalaga naman si Vanessa Villanueva bilang Director VI ng DPWH.
Samantala, sina Premier Dee Ewigkeit Castro at Mariam Mautante ay itinalaga bilang Republic Attorney (Public Attorney V) sa ilalim ng Public Attorney’s Office (PAO).
Itinalaga naman ni Pangulong Marcos si Juan Corpuz Jr. bilang acting member ng Board of Trustees ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Catherine Lopez bilang Director II ng Department of Finance (DOF). (Daris Jose)
-
Presyo ng face masks na binebenta sa gobyerno, sisirit: DTI
MAGTATAAS ng presyo ng face mask ang lokal manufacturer sa bansa kasabay ng pagtaas ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas. Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na bunsod ito ng ilang mga market factor. “They gave us [the face masks] at a low price. Bago pa tumaas […]
-
DOTr: Mamadaliin ang pamimigay ng P2.5 B fuel subsidy sa mga tricycle drivers
NANGAKO ang Department of Transportation (DOTr) sa pamumuno ni Secretary Jaime Bautista na sa lalong panahon ay maibigay ang P2.5 billion na fuel subsidy sa mga libo-libong tricycle drivers sa buong bansa. Naganap ang pangako matapos ang matinding pagpapalitan ng debate sa nakaraang confirmation ni DOTr Secretary Bautista sa Commission on Appointments (CA). […]
-
Ads March 1, 2024