• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga barangay official, ‘walang kamay’ sa pagdetermina sa listahan ng mga benepisaryo ng AKAP -Gatchalian

BINIGYANG-DIIN ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na hindi pork barrel initiative ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).
Ayon sa Kalihim, hindi responsable ang mga opisyal ng barangay sa pagdetermina sa listahan ng mga benepisaryo ng programa.
“Let me reiterate that all the DSWD’s Field Offices across the country serve people in need, whether they are walk-in clients or referrals from local government unit (LGU) officials,” ang sinabi ni Gatchalian.
ipinaliwanag nito na ang DSWD social workers ang nag-proseso ng AKAP applications at nagdesisyon ng halaga ng tulong na matatanggap ng kuwalipikadong benepisaryo.
Ang pahayag na ito ni Gatchalian ay tugon sa sinabi ng nagretirong si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio kung saan inihahalintulad ang AKAP cash assistance sa kontrobersiyal na pork barrel system at ipinanukala na magsumite ang mga opisyal ng barangay ng listahan ng benepisaryo.
Bilang tugon pa rin ni Gatchalian, sinabi niya na walang probisyon sa AKAP guidelines na pinapayagan ang mga opisyal ng barangay na idetermina ang mga benepisaryo ng cash aid ng programa.
“With due respect to the former Supreme Court Justice, AKAP is not pork barrel. Any good Samaritan can refer potential beneficiaries, and barangay officials have no role in the selection process as outlined in our guidelines,” ang sinabi ng Kalihim.
Nilinaw naman ng Kalihim na habang ang mga mambabatas at mga local officials ay maaaring mag-refer ng mga potensiyal na benepisaryo, ang social workers ng departamento ang sumusuri at nagsasapnal ng listahan ng mga recipient.
“The original purpose of AKAP is to protect minimum wage earners and near-poor Filipinos from the effects of inflation, which reduces their purchasing power. The program provides assistance tailored to address individual needs, particularly for goods and services impacted by high inflation,” ang paliwanag ni Gatchalian.
Kabilang sa panukalang 2025 national budget ay ang P26-billion na alokasyon para sa AKAP, na inaasahan na lalagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa susunod na linggo.
Gayunman, binatikos naman ng mga opposition lawmakers mula sa Makabayan bloc ang AKAP, binansagan itong “political tool” para sa potensiyal na vote-buying sa ilalim ng pagkukunwaring tulong pinansyal.
Samantala, iniulat naman ng DSWD na halos 5 milyon na ng “near-poor” filipino ang nakikinabang mula sa AKAP sa panahon ng unang taon ng implemetasyon, sumasaklaw mula Enero hanggang Disyembre 26, 2024.
(Daris Jose)
Other News
  • Antibodies kontra COVID-19 mananatili sa katawan ng tao ng 8-months

    Mananatili ang antibodies laban sa coronavirus ng hanggang walong buwan matapos na madapuan ang isang tao ng COVID-19.     Ayon sa San Raffaele hospital sa Milan, Italy na hindi ito mawawala anumang edad ng pasyente o ang presensiya ng pathologies.     Sa ginawang pag-aaral sa ISS national health institute na mayroong 162 pasyente […]

  • Catriona, personal na ipinaabot mga donasyon para sa typhoon victims sa Bicol

    Kakaiba sa pakiramdam kung ilarawan ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray ang pisikal na presensya sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.   Pahayag ito ng 26-year-old half Australian beauty na tubong Albay sa kanyang pagbisita mismo sa Camarines Sur at Catandunates upang ipamahagi ang mga nalikom na donasyon para sa mga biktima partikular […]

  • Omicron subvariant ‘XBB’ posibleng nasa Pinas na

    PARA sa infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante, naniniwala siya na nakapasok na ang bagong COVID-19 Omicron subvariant XBB sa bansa dahil sa maluwag na polisiya ng pamahalaan sa “border control” at pagpasok ng mga biyahero.     Sinabi rin ni Solante na hindi maaaring maisantabi na ang patuloy na pagkakatala ng mga […]