• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga batang kasali sa face-to-face classes hindi mandatory na bakunado

HINDI kasama sa requirement ng mga batang sasali sa face- to -face classes ang magpabakuna laban sa Covid -19.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, mataas kasi ang resistance level sa mga bata para magpabakuna.

 

 

Nasa mga magulang na ang pagpapasya kung pababakunahan ang bata o hindi.

 

 

Ani Briones, para sa mga guro, mandatory o obligado ang mga ito lalo na ang mga kasali sa face-to-face classes na dapat ay  may bakuna.

 

 

Sinabi ng Kalihim na ng mga guro na hindi pa bakunado  ay kailangang magsumite ng kanilang reports sa eskwelahan, dapat na magpakita muna ng negative resulta ng rt pcr test bago payagang makapasok sa school premises.

 

 

Samantala, patuloy na hinihikayat ni Briones ang mga magulang ng mga bata na pabakunahan na ang kanilang mga anak bilang proteksyon na rin lalo na at nagsisimula na aniya ang face-to-face classes sa maraming eskwelahan sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Tagatangkilik ng USTe nag-alsa balutan na rin

    KATULAD ng ibang nagpulasang mga tigre ng University of Santo Tomas men’s basketball team, umalpas na rin tagasuportang Ironcon Builders para sa Growling Tigers sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).   Hindi na magkakaloob ng tulong sa koponan ang kompanya dahil sa pagbibitiw na ni coach Aldin Ayo na binabagan ng indefinite suspension […]

  • PAPAKONDISYON SI PAGDAGANAN

    IHAHANDA na ni Bianca Pagdaganan ang sarili para sa malaking laban sa murang propesyonal na karera sa nakatakdang $5.5M 75th US Women’s Open 2020 sa Champions Golf Club sa Houston, Texas sa Disyembre 10-13.   Magpapakondisyon ang 23-taong gulang na bagitong Pinay sa ika-16 na yugto ng 71st Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2020, […]

  • Upcoming series, may titulong ‘The Write One’: BIANCA, pinakilig ang mga fans nila ni RURU sa kanyang mga rebelasyon

    Kasama nila sina Michelle, Arra, Rochelle at Kylie… SANYA at GABBI, sumabak na sa matinding ensanyo para sa isang action-packed series     PINAKILIG ni Bianca Umali ang mga fans nila ni Ruru Madrid nang ipaalam niya ang upcoming teleserye nila para sa GMA Public Affairs na may titulong ‘The Write One’.     Sa […]