• January 5, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga benepisaryo, kailangang magpakita ng ID o kasama sa listahan ng barangay

SINABI ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kailangang magpakita ng official identification card ang isang aid beneficiary o kaya naman ay kasama sa listahan ng barangay para makatanggap ng cash assistance mula sa gobyerno.

 

 

Kasunod ito ng alegasyon ng sinasabing “overly strict rules.”

 

 

Sinabi ni DSWD Social Marketing Services Director Marlouie Sulima na hindi na kailangan na magpakita ang mga calamity victims ng  proofs of residence,  sabay sabing sapat na ang makapagpakita ng isa lamang sa mga nabanggit para makakuha ng ayuda.

 

 

“Sa ngayon po ay kinakailangan na lamang magpakita ng ID ng mga residenteng nasa listahan ng mga biktima ng mga kalamidad  na ibinibigay ng LGUs upang mabigyan sila ng ayuda,” ayon kay Sulima.

 

 

“Kung wala silang maipakitang ID o anumang identification document, sapat na ang listahang ibibigay ng kanilang LGU upang mabigyan ng ayuda,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Tinuran ni Sulima  na ang pagbabawas sa requirements ay isa sa naging direktiba ni  Social Welfare and Administration Secretary Erwin Tulfo. (Daris Jose)

Other News
  • Gobernador ng Bulacan, bumisita sa pulis na nasugatan matapos ang operasyon, nirekomendang mabigyan ng pagkilala

    BUMISITA si Gobernador Daniel R. Fernando ng Bulacan at inalam ang kundisyon ni PCPT. Jocel Calvario, Hepe ng Intelligence and Drug Enforcement Unit ng Meycauayan City Police, na kasalukuyang nasa Meycauayan Doctors Hospital makaraang lubhang masugatan sa isang police operation kamakailan.     Sa kanyang pagbisita, pinuri ni Fernando ang hindi matatawarang dedikasyon ni Capt. […]

  • Mayor Sara, ‘most qualified’ maging susunod na Pangulo ng bansa-Sec. Roque

    NANINIWALA si Presidential spokesperson Harry Roque na si Davao City Mayor Sara Duterte ang “most qualified” na tao para humalili sa kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sa Hunyo 2022.   Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay sa kabila ng naging pahayag naman ni Pangulong Duterte na hindi tatakbo sa pagka-pangulo […]

  • Desidido sa pagka-VP

    Itinanggi ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga espekulasyon na magkakaroon ng “substitution” para bigyang daan ang kandidatura ng isang inbdibiduwal sa pagsasabing desidido siyang ituloy ang pagtakbo niyang bise-presidente ng bansa sa darating na 2022 elections.     “I can’t speak for the other candidates. Hindi po ako makapagsalita kung ano po ang magiging […]