• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga brgy officials na tatangging tulungan ang mga residenteng may Covid-19, kakasuhan ng DILG

KAKASUHAN ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay personnel na hindi reresponde sa concerns ng mga residente na infected ng COVID-19

 

Sa press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi ni DILG officer-in-charge Undersecretary Bernardo Florece Jr. na hinihikayat nila ang publiko na i-report sa kanila kung mayroon silang mararanasang ganoong pagtrato.

 

“Aming aaksyunan ‘yan at kakasuhan natin kung talagang hindi sila tumutugon sa kanilang responsibilidad,” anito.

 

Ani Florece, marami na silang natatanggap na report na may ilang barangay personnel ang tumatangging tulungan ang kanilang mga residente na infected ng Covid -19 sa takot na mahawaan sila ng virus.

 

Aniya, ipinag-utos na ng DILG sa mga barangay officials na pangasiwaan ang COVID-19 situation sa kani-kanilang lugar.

 

Tinukoy din nito ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases at Health Events of Public Health Concern Act para bigyang diin ang pananagutan ng barangay personnel.

 

Samantala, ang mga barangay personnel ay bahagi rin aniya ng barangay health emergency response teams o BHERTs.  (Daris Jose)

Other News
  • Pagbabalik ni Anthony Davis, ‘timing’ daw sa ‘final push’ sa Lakers campaign

    Tiniyak ng big man ng Los Angeles Lakers na si Anthony Davis na 100 percent na siyang handa sa kanyang pagbabalik matapos ang dalawang buwan na pagpapagaling sa kanyang injury.     Inaasahang sasabak na si Davis bukas sa pagharap nila laban sa Dallas Mavericks.     Kung maaalala mula pa noong Pebrero 14 ay […]

  • Sumasayaw noon pero parang ‘di na bagay ngayon: ALLEN, nahahatak na lang gawin dahil sa nagti-Tiktok

    KARAGDAGANG karakter si Allen Dizon sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’ at dahil nga sa patuloy na mataas na rating ng programa, sigurado na ang kanilang extension. Hanggang kailan ba mae-extend ang kanilang serye?   “Well, actually malalaman namin this month kung… pero ang sinasabi nila, ang sinabi nilang extension dati  hanggang July.   “So, ngayon parang […]

  • Ginebra, Magnolia, San Miguel players negatibo sa COVID-19

    Nagnegatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang lahat ng mga manlalaro ng Barangay Ginebra, Magnolia Hotshots, at San Miguel Beermen makaraang sumailalim sa testing noong nakaraang linggo.   Ito ay batay sa naging anunsyo ni San Miguel Corporation (SMC) president and chief operating officer Ramon Ang.   Dagdag ni Ang, bagamat mahalaga ang sports sa […]