• April 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga dayuhan na may long-term visa, papayagan nang pumasok ng Phl simula Agosto 1

Simula sa unang araw ng Agosto ay papayagan na ng Inter-Agency Task Force na pumasok sa bansa ang mga foreign nationals na mayroong long-term visa.

 

Ibig sabihin nito ay hindi makakapasok ang mga indibidwal na bago pa lamang ang visa.

 

Ito ay bilang isa sa mga hakbang ng gobyerno upang muling buhayin ang sumadsad na ekonomiya ng Pilipinas dahil sa coronavirus pandemic.

 

Ang mga banyaga na magnanais pumunta sa ating bansa ay kakailanganing magkaroon ng valid at existing visa, Dapat din nilang siguraduhin na mayroon silang pre-bookes accredited quarantine facility maging ang pre-booked coronavirus disease testing provider.

 

Ayon pa sa IATF, mayroon lamang maximum capacity ng mga inbound passengers ang papayagan sa mga paliparan at magiging prayoridad pa rin ng mga ito ang mga returning overseas Filipino workers (OFWs).

 

Dagdag pa nito na mahigpit din nilang ipagbabawal ang mga spectators o usisero sa lahat ng outdoor non-contact spost at pati na rin ang pag-eehersisyo sa mga lugar na nananatiling nasa ilalim ng general community quarantine gayundin ang mga lugar na nasa modified general community quarantine.

Other News
  • DepEd: Private schools, puwedeng mag-distance, blended learning

    MAAARI pa ring magpatupad ng distance at blended learning, paglampas ng Nobyembre 2, ang mga pribadong paaralan sa bansa.     Ito’y matapos na ilabas ng Department of Education (DepEd) kahapon ang Department Order (DO) 044 na pirmado ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte.     Sa ilalim ng naturang kautusan, inaamiyendahan ang […]

  • 4 ARESTADO SA PAGSASAGAWA NG PRANK

    KALABOSO ang apat na lalaki matapos magsagawa ng prank na kanila umanong i-upload sa social media na isa sa kanila ang isinilid sa sako saka iniwan sa gilid ng kalsada na tila isang biktima ng summary execution sa Valenzuela city.     Kinilala ang mga dinakip na si Mark Francis Habagat, 20, Mark Aldrin Arce, […]

  • Sobrang busy sa work kaya wala ring time: JAKE, nakikipag-date pero ‘di nagmamadaling magka-girlfriend

    SINA Jake Cuenca at Sue Ramirez ang bida sa ‘Jack and Jill Sa Diamond Hills’ na mula sa TV5, APT Entertainment at Cignal TV, napapanood sa Kapatid Network tuwing Linggo, 6 pm. Si Sue, sa tunay na buhay ay may “Jack” na, boyfriend na si Mayor Javi Benitez ng Victorias City, Negros Occidental. Si Jake ba […]