Mga empleyado ng NAIA kukunin ng Megawide sa kanilang take-over bid
- Published on November 21, 2020
- by @peoplesbalita
Hindi mawawalan ng trabaho ang libong empleyado ng Ninoy Aquino International Airport kung magkaron ng take over ang isang private consortium na siyang maaring kunin ng pamahalaan para sa rehabilitation project nito.
Sinabi ng Megawide Construction Corp. na kanilang kukunin ang mga empleyado ng NAIA kung kanilang makukuha ang kontrata para sa rehabilitation ng country’s main gateway, katulad ng ginawa sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA).
Taliwas naman ito sa sinabi ng mga ilang mambabatas na mawawalan ng trabaho ang 14,000 na empleyado ng NAIA kung makukuha nila ang kontrata, ayon kay Megawide chairman at chief executive officer Edgar Saavedra.
Ayon pa kay Saavedra na kanilang susundin ang mga proseso na ipapatupad ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa ilalim ng mungkahi na baguhin ang NAIA complex.
“We actually made an offer not only to adhere to government regulations but because we saw value in their knowledge of the airport operations,” wika ni Saavedra.
Siniguro naman ni Megawide managing director Louie Ferrer ang proseso ng paglipat ng mga regular na empleyado ng MIAA sa Megawide.
“Following the guidelines of the government and the process we followed for the MICIA, we will be sending offers of employment to the regular employees of the NAIA. Those who accept the offers will enjoy benefits equal or possibly more than the benefits they were receiving from the MIAA. Any employees who transfer to Megawide are also protected against retrenchment within a certain period,” wika ni Ferrer.
Ayon sa Megawide sila ay mamumuhunan sa pagtatayo ng isang state-of-the-art aviation at airport training facility para sa NAIA na pangungunahan ng mga regular at contractual na mga empleyado.
“In the short term our focus is to train the employees of the NAIA in line with our goal to deliver first-world services and operations within the first phase of operations,” dagdag ni Ferrer.
Gusto rin ng Megawide na magkaron ng mga Filipino aviation experts hindi lamang sa Manila kundi pati na rin sa Cebu at iba pang airports sa Pilipinas.
Ang Megawide ay mahigpit na tutupad sa mga guidelines na ibibigay ng pamahalaan para sa isang multibillion-peso rehabilitation project.
Gustong pawalang katotohanan ng Megawide ang sinabi ni Rep. Bong Suntay noong nakaraang budget hearing na marami ang mawawalan ng trabaho kung mag take over ang kanilang kumpanya. (LASACMAR)
-
EPIC JUNGLE ADVENTURE “THE LOST CITY” LAUNCHES TRAILER & POSTER
THE adventure is real. The heroes are not. Check out the newly launched official trailer and poster of Paramount Pictures’ new comedy adventure The Lost City, starring Sandra Bullock, Channing Tatum & Daniel Radcliffe. Only in Philippine cinemas 2022. YouTube: https://youtu.be/HXW6dRGAC5g Facebook: https://www.facebook.com/paramountpicsph/videos/1485998868461300/ About The Lost City Brilliant, but reclusive author Loretta Sage (Sandra […]
-
MARIAN, number one sa list ng ‘Most Followed Filipino Celebrities’ sa Facebook; nagpasalamat sa more than 25 million followers
MASAYANG ibinahagi ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes sa kanyang Instagram Stories ang magandang balita na pinost ng dailypedia.net. Ayon sa report si Marian ang nasa No. 1 spot ng listahan ng ‘Most Followed Filipino Celebrities’ sa Facebook as of July 2021. Labis-labis nga ang pasasalamat ng asawa ni Kapuso Primetime […]
-
3 minors, 4 pa arestado sa droga sa Caloocan
Arestado ang pitong hinihinalang drug personalities, kabilang ang tatlong menor-de-edad na narescue ng mga awtoridad sa Caloocan city. Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong 10:50 ng gabi, nagsasagawa ang mga tauhan ng East Grace Park Police Sub-station 2 ng Oplan Galugad sa Raja Soliman St. Brgy. 37 nang isang […]