• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga fans ni Bryant, inaalala ang 42nd kaarawan nito

Nagsagawa ng pagpugay ang iba’t-ibang basketball fans sa pagdiriwang ng ika-42 kaarawan ng yumaong NBA star na si Kobe Bryant.

 

Binuksan ang mga mural na nagpupugay sa Los Angeles Lakers star na makikita sa ib’at-ibang bahagi ng mundo bukod pa sa bayan nito kung saan siya isinilang sa downtown Los Angeles, isa sa malapit sa Convention Center ganun din sa Shoe Palace sa Fairfax District at ang pinakamalaking mural sa San Fernando Valley.

 

Sa kabuuan ay mayroong 331 murals sa buong mundo 267 sa US at 64 sa ibang bana.

 

Nagpost naman sa social media ng mahabang mensaheng pag-alala mula sa kaniyang asawa na si Vanessa maging ang anak nila na si Natalia Bryant.

 

Habang si Lakers star LeBron James ay nagpost sa kaniyang social media ng throwback na video noong ika-30 birthday ng NBA star.

 

Magugunitang pumanaw si Bryant kasama ang anak na si Gianna at pitong iba pa ng bumagsak ang sinakyan nilang helicopter noong Enero.

Other News
  • DILG kuntento sa performance ng mga LGUs sa pagtugon sa kalamidad

    KUNTENTO si Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa naging performance ng mga local government units sa kanilang disaster preparedness and response operations.   Ayon kay Año natuto na ang mga LGUs at ginagawa na ng mga ito ang kanilang mga trabaho lalo na kapag may mga natural disasters gaya ng Bagyo.   niya, […]

  • “Walang Gutom 2027” ng DSWD, 1M mahihirap na pamilya ang makikinabang-DSWD

    TINATAYANG 1 milyong benepisaryo ang inaasahan na makikinabang mula sa  “Walang Gutom 2027” program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).     Layon ng inisyatibang ito ang paghusayin ang access ng  food-poor families sa masustansyang pagkain.     Sinabi ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na ang bagong food stamp program ng departamento […]

  • Bading natagpuang tadtad ng saksak

    DAHIL sa mabahong amoy, nadiskubre ang bangkay ng isang 44-anyos na bading na tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa loob ng kanyang inuupahang tindahan sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.   Sa nakarating na report kay Malabon Police Chief Col. Angela Rejano, ala-1:40 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktimang […]