• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga guro tutukan sa gitna ng pandemya – Gatchalian

SA pagdiriwang ng National Teacher’s Month, inihayag ni Senador win Gatchalian na dapat tutukan ng pamahalaan ang kapakanan at kaligtasan ng mga guro sa gitna ng pananalasa ng corona virus 2019 (COVID-19) pandemic.

 

Para kay Gatchalian, ito ang pinakamabuting pamamaraan upang ipagdiwang ang National Teacher’s Month na magpapatuloy hanggang Oktubre 5, araw ng World Teacher’s Day at opisyal na pagbubukas ng klase ngayong taon.

 

Ayon sa mambabatas, dapat bigyang prayoridad ang mga pangangailangang pang-kalusugan ng mga guro upang matiyak na matagumpay na pagpapatupad ng Basic Education Learning Continuity Plan sa kabila ng patuloy na banta ng COVID-19.

 

“Dapat natututukan at natutugunan ang pagpapagamot ng mga guro, lalo na kung nagpositibo sila sa COVID-19,” giit ng mambabatas.

 

Bagama’t hindi saklaw ng 2020 budget ang pagpapagamot ng COVID-19, tiniyak naman ng Department of Education (DepEd) na makatatanggap ng mga benepisyo mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga guro tulad ng ibang mga kawani ng pamahalaan.

 

Dagdag ng DepEd, nakikipag- ugnayan na rin sila sa PhilHealth, Employees’ Compensation Commission (ECC), at Government Service Insurance System (GSIS) upang matugunan ang kapakanan ng mga guro.

 

Mahalaga ani Gatchalian na maisapinal na ang mga ugnayang ito bago magsimula ang klase dahil maaaring malagay sa panganib ang kalusugan ng mga guro kapag nagsimula na silang mmahagi ng self-learning modules.

 

“Nakita natin ang malasakit nila sa mga estudyante at pagmamahal sa kanilang propesyon. Mayroon pa sa kanilang gumagasta mula sa sariling bulsa upang may maipambili lang ng ilang kagamitan para sa blended learning. Nararapat lamang na magbigay-pugay tayo sa mga guro ngayong National Teachers’ Month,” ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

 

“Ang mga guro ay parang mga sundalong ipapadala natin sa digmaan. Kung hindi natin sisiguruhin ang kanilang kaligtasan, mawawalan sila ng kumpiyansa at hindi tayo magtatagumpay sa pagpapatupad ng distance learning,” dagdag pa niya.

 

Batay sa datos ng DepEd, mahigit walong daang (823) mga mag-aaaral at kawani ng DepEd ang nag-positibo sa COVID-19 noong Agosto 23. Dalawampu’t tatlo (23) rito ang namatay, mahigit tatlong-daan (310) ang maituturing na mga “active cases” at halos limang daan (490) ang gumaling. Sa mga nabanggit na kaso, halos tatlong daan (297) ay mga mag- aaral, tatlong-daan at apatnapu (340) ay mga guro, at isang daan at walumpu (186) naman ay mga non-teaching personnel.

 

Hinimok din ni Gatchalian ang pamahalaan na agad ipamahagi ang cash assistance sa mga guro at non-teaching personnel na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic. Ang naturang ayuda para sa mga guro at non-teaching personnel ay bahagi ng Bayanihan to Recover As One Act o Bayanihan 2.

Other News
  • Experience Disney’s Mufasa: The Lion King, a visual and musical spectacle, see it in IMAX or 4DX for the ultimate adventure!

    THE countdown is on! In just a week, Disney transports audiences back to the iconic Pride Lands with Mufasa: The Lion King. This untold story unveils the humble beginnings of one of Disney’s most beloved characters, tracing his path to becoming the revered king. It’s a tale of perseverance, self-discovery, and legacy—perfect for the holiday […]

  • 2 pasaway sa ordinansa sa Caloocan, dinampot sa boga

    SA halip na multa lang dahil sa paglabag sa ordinansa, sa selda ang bagsak ng dalawang lalaki matapos silang arestuhin ng pulisya dahil sa ilegal na pagdadala ng baril sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, unang nasita ng mga tauhan ng Police Sub-Station 11 […]

  • Inaming na-bully sa pagiging ‘balbon’: YASSER, nanliligaw pa lang kay KATE at ‘di pa girlfriend

    WALA pang relasyon sina Yasser Marta at Kate Valdez.     Iyan ang nilinaw mismo ni Yasser sa guesting niya sa episode ng ‘Fast Talk with Boy Abunda’ kamakailan.     Tinanong kasi ni Tito Boy ang hunk Sparkle actor kung sila na ba ni Kate.     “Hindi pa po Tito Boy,” ang sagot ni […]