MGA HEALTH WORKERS MAY KARAPATANG MAMILI NG BRAND NG BAKUNA
- Published on November 19, 2021
- by @peoplesbalita
PINAHIHINTULUTAN ang mga healthcare workers na pumili ng brand ng bakuna para sa booster shots depende sa availability nito.
Ayon ito sa National Vaccination Operations Center (NVOC) ngayong Miyerkules.
Sa memorandum, ang mga indibidwal na nakategorya bilang Priority Group A1: Essential Workers in Frontline Health Services (A1.1 hanggang A1.7) ay karapat-dapat na mabigyan ng isang COVID-19 booster dose, alinman sa homologous o heterologous dose.
Paliwanag ng NVOC, ang homologous booster dose ay nangangahulugan na ang isang indibidwal ay babakunahan ng kaparehong brand ng bakuna na ginamit sa kanilang unang vaccination habang ang heterologous booster dose ay babakunahan ng ibang brand ang isang indibidwal.
Sa ilalim ng nasabing memorandum, sinabi ng NVOC na ang mga Pilipino na nabakunahan ng Pfizer Moderna, Sinovac, Gamaleya at AstraZeneca sa serye ng kanilang primary doses ay kailangang maghintay ng anim na buwan bago muling makakuha ng booster shot.
Samantala, ang mga nabakunahan naman ng Janssen COVID-19 vaccine para sa primary dose ay maghihintay naman ng tatlong buwan.
Inirekomenda ng NVOC ang mga sumususnod na brand para sa heterologous.
Sinovac (primary series) — AstraZeneca, Pfizer, Moderna (booster)
AstraZeneca (primary series) — Pfizer, Moderna (booster)
Gamaleya Sputnik V (primary series) — Pfizer, AstraZeneca, Moderna (booster)
Janssen (primary series) — AstraZeneca, Pfizer, Moderna (booster)
Pfizer (primary series) — AstraZeneca, Moderna (booster)
Moderna (primary series) — AstraZeneca, Pfizer (booster)
Ang mga indibidwal na nabakunahan ng AstraZeneca ay pinapayuhan na tumanggap ng booster shots gamit ang ibang brand dahil sa posibilidad ng pre-existing immunityattenuating o humina ang immune response sa ikalawa o ikatlong dose.
Samantala, sinabi ng NVOC na ang homologous booster dose para sa Sputnik at Janssen vaccines ay hindi pa ipatutupad .
Sa kasalukuyan, tanging ang Sinovac pa lamang ang inirerekomenda bilang homologous booster dose.
Ayon sa DOH, isang booster dose lamang ang ibibigay sa kada indibidwal.
Kailangan lamang na iprisinta ang orihinal na vaccination cards ang isnag indibidwal na tatanggap ng booster doses bilang patunay na sila ay bakunado na at nakakumpleto na ng doses pati valid indentification card.
Ang vaccination team naman ay dapat tiyakin na ang tatanggap ng bakuna ay alam ang benepisyo, panganib at posibleng epekto ng bawat boosting strategy bago sila bigyan ng opsyong pumili. GENE ADSUARA
-
Movies na kasama sina Sharon at Coco, malabo pa: Sen. BONG, sisimulan na ang ‘Alyas Pogi 4’ at planong isali sa MMFF
NAGKAROON kami ng pagkakataon na makausap at magpasalamat na rin sa aktor at politician na si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. Pinasyalan namin ang aktor, producer, politician sa kanyang opisina sa senado kasama ang mga opisyales ng Philippine Movie Press Club. Siyempre pinasalamatan agad namin si Sen. Bong sa dahil sa maagang pagpaşa at pirmado […]
-
WALANG PANGIL SA POGO
PATULOY ang panawagan para sa mas malalim na imbestigasyon at mas mabigat na parusa sa mga pasaway na dayuhan na nakapasok sa bansa sa pamamagitan ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). Una nang nabulgar na may mga Chinese na nagpapakilala pang mga Filipino sa pamamagitan ng pekeng birth certificates at passports na kasama sa […]
-
IT’S HERE. WARNER BROS. RELEASES TRAILER FOR THE MUSICAL DRAMA “THE COLOR PURPLE”
THE 1985 film of Steven Spielberg. The Color Purple drove fans to tears of heartbreak, anger, and victory. The film, which was nominated for eleven Academy Awards, portrayed the adversity and triumph of Celie Harris, played by Whoopi Goldberg, and other black women in the south in the early 1900s. It’s […]