• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MGA HEALTH WORKERS, NAGSAGAWA NG KILOS PROTESTA

MULING nagsagawa ng kilos protesta ang samahan ng health workers sa harap ng tanggapan ng Department of Health (DOH) kasabay ng pagdiriwang ng Valentine’s Day.

 

 

Tinawag na Black Hearts Day Protest ang nasabing pagkilos na pinangunahan ng Alliance of Health Workers

 

 

Naglakad ang mga health workers na pawang mga nasa pampubliko at pribadong hospital mula Legarda patungong DOH.

 

 

Muling panawagan ng grupo ang pagbibitiw ni Health Secretary Francisco Duque III dahil sa kapalpakan nito sa trabaho.

 

 

Giit pa ng grupo, tila hindi na naisip pa ng gobyerno ang kaligtasan, proteksyon, karapatan at kapakanan ng mga health workers na patuloy na tumutulong para hindi na kumalat pa ang COVID-19.

 

 

Bukod dito, naging talamak din ang contractualization scheme sa mga pampublikong hospital.

 

 

Nangangamba rin ang mga health workers na mabawasan pa ang mga benepisyong nakukuha nila ngayong may pandemya dahil natapos na ang ilang probisyon nito sa ilalim ng Bayanihan Law 2 kung saan napalitan na ito mg One Covid-19 Allowance (OCA).

 

 

Anila, sa loob ng dalawang taon ay hindi pa rin sapat ang mga hakbang ng pamahalaan para mabawasan ang tinatamaan ng COVID-19 kung saan nakakaramdam na rin ng pagod ang mga health workers. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Vaccination itataas sa 100% ng populasyon

    Maaaring itaas ng pamahalaan ang kanilang COVID-19 immunity target mula 70% hanggang 100% ng populasyon ng bansa dahil sa patuloy na pagsulpot ng mga COVID-19 variants.     Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, unang itinakda ang 70% herd immunity target para lamang bigyang-proteksyan ang publiko sa mga tao mula sa severe infection ng orihinal […]

  • ‘Wag magpaloko, maging scam alerto!

    SA PANAHONG todo-kayod ang mga Pilipino, todo-kayod din ang mga scammers na naghahanap ng mabibiktima ng isa sa mga pinakausong cybercrime ngayon—ang phishing.     Ang phishing ay isang uri ng scam kung saan kinukuha ng mga scammer ang mga personal na impormasyon gaya ng Mobile Personal Identification Number (MPIN) at One-Time Password (OTP) upang […]

  • IATF, wala pang desisyon sa mungkahing ipagbawal ang carolling

    HANGGANG ngayon ay wala pang desisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa mungkahing ipagbawal ang carolling sa buong bansa pagsapit ng simbang gabi sa Disyembre para maiwasan ang anumang hawaan ng Covid-19.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bagama’t hindi pa ito pinagpapasyahan ng IATF, ay naniniwala siya na mayroong siyensiya sa likod […]