‘Mga kaso ng hostage taker sa San Juan, madadagdagan pa’ – Sinas
- Published on March 5, 2020
- by @peoplesbalita
MASUSUNDAN pa ang mga kaso laban sa Green Hills hostage taker na si Alchie Paray.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Maj. Gen. Debold Sinas sa panayam ng Bombo Radyo, illegal possession of firearms at explosives ang inisyal nilang isinampa, habang maghahain ng bukod na reklamo ang mga naging hostage nito.
Layunin ng hakbang na huwag tularan ang ginawa ng suspek para hindi malagay sa panganib ang mga inosenteng biktima.
Gayunman, iimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang mga hinaing ni Paray sa kanyang employer at security agency nito.
“Initial pa lang pong mga kaso ang ginawa natin. Bukod naman yung sa mga hinostage,” wika ni Sinas. (Daris Jose)
-
Kelot tinodas ng riding-in-tandem sa Malabon
DUGUANG humandusay ang katawan ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo habang nakatayo sa harapan ng inuupahang apartment sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Dead-on-arrival sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan […]
-
LTFRB, nilinaw na walang katotohanan na phase out na ang traditional jeepney
NILINAW ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi totoong aalisin ng gobyerno ang mga tradisyunal na jeepney sa mga darating na buwan. Ngunit, nagpapatuloy ang planong gawing moderno ang pampublikong sasakyan. Nababahala ang mga driver na hindi na ipagpatuloy ang mga jeepney kapag lumipat ang mga lugar sa […]
-
LALAKI MINASO NG KAINUMAN, KRITIKAL
AGAW-BUHAY sa pagamutan ang isang 40-anyos na mister matapos hatawin ng maso sa ulo at katawan ng kanyang kainuman makaraan ang mainitang pagtatalo sa Navotas City. Ginagamot sa Navotas City Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan si Ernesto Paracale, 40 ng 46 Katipunan St. Brgy. Bayan-bayanan, Malabon City. Kinilala naman […]