Mga magulang pinayuhan ng AFP at PNP na gabayan ang mga anak sa online class vs NPA recruitment
- Published on September 26, 2020
- by @peoplesbalita
KAPWA aminado ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na may posibilidad na malantad ang mga online learner sa ginagawang recruitment ng New People’s Army (NPA) para sumapi sa kanilang grupo.
Sinabi nina AFP chief of staff, Gen. Gilbert Gapay at PNP chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan na bagaman wala pang ulat na mayroong na-recruit sa pamamagitan ng online ay posible ring magamit ang social sa NPA recruitment.
Dahil dito, nanawagan ang mga mga opisyal ng militar at pulisya sa mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak habang nag- aaral gamit ang computer.
Makabubuti rin na makipag-ugnayan sa guro kung kinakailangan para maging updated sa online class ng anak.
Ginawa ng dalawang heneral ang pahayag kasunod ng National Joint Peace and Security Coordinating Center Meeting sa Camp Crame kung saan naglalayong himukin ang mga kabataan na huwag basta umanib sa anumang grupo.
Paliwanag pa nina Gapay at Cascolan, para sa seguridad ng mga kabataan ang kanilang ginagawa at kanilang haharangan ang anumang tangkang recruitment sa mga estudyante ng makakaliwang grupo.
“Yung mga anak natin are really browsing itong mga accounts, may papel din ang mga magulang natin dito, parents should also requesting for their help,” wika pa ni Gen. Gapay. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
P15-B katiwalian sa PhilHealth dahil sa ‘incompetent’ military appointees — grupo
Isinisi ng mga militanteng magsasaka ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga retiradong sundalong “walang kasanayan” sa nangyayaring katiwalian diumano sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), bagay na umani ng matinding batikos sa social media noong Martes. Kahapon lang nang ibulgar ni Thorrsson Montes Keith, dating anti-fraud legal officer ng PhilHealth, sa Senado […]
-
Fan support from the Philippines for The Chosen ranks third globally outside the U.S.
Manila, Philippines – September 30, 2024 – “We love our Filipino fans, as the Philippines is one of our most supportive countries in the world,” said Dallas Jenkins, creator, writer, and director of the hit series The Chosen, in August 2020. Now in its fourth season, the Philippines ranks third globally in viewership outside the […]
-
Ilang senador, “overreacting” sa pagkadismaya ni pdu30 sa banat nito laban sa senate hearing
PARA kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, “overreacting” ang ilang senador sa pagkadismaya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa pagbili ng medical supplies sa gitna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic. Sa kanyang commentary show na Counterpoint, nilinaw ni Panelo na hindi kailanman […]