Mga makakalaban unti-unti nang nag-aatrasan: VILMA, maugong pa rin na tatakbong muli bilang gobernador ng Batangas
- Published on June 17, 2024
- by @peoplesbalita
NAKIPAG-MEETING na si Star for All Seasons Vilma Santos-Recto sa producer ng Mentorque na si Mr. Bryan Dy kasama sina Direk Antoinette Jadaone at Direk Dan Villegas.
Sa nakarating sa amin isa itong magandang project na first time na gagampanan ni Ate Vi ang isang kakaibang papel.
Gustong-gusto ni Ate Vi ang project pero pinag-iisipan pa rin ng multi-awarded actress dahil tatlong movie offers pa ang sabay sabay na inaalok sa kanya ngayon, ng tatlong bibigating producers.
After the success ng “When I Meet You In Tokyo” inulan ng maraming offers si Ate Vi.
Siyempre, knowing Ate Vi, pinag-aralan at binusisi niya muna ang mga inaalok sa kanya bago niya ito tatanggapin.
Pero sure naman daw na may gagawing isang project si Ate Vi ang magiging problema nga lang ay ang posibleng pagsabak niya muli sa pulitika.
Yes, malakas ang ugong na tatakbo muli ang aktres bilang gobernador ng Batangas.
Matatandaang si Ate Vi ang first woman governor ng Batangas mula 2007 hanggang 2015.
Sure ba mananalo si Ate Vi dahil yun ang hiling sa kanya ng mga Batangeño na paglingkuran muli ang probinsiya dahil napabayaan na naman daw ito mula nang matapos ang termino niya.
May mga umugong na tatakbong gobernador pero nang malaman nilang tatakbo si Ate Vi, isa-isa na raw nag-atrasan.
May posibilidad din na papasukin ng nga anak ni. Ate Vi ang pulitika dahil na rin sa hiling ng mga taga-Batangas.
Si Ryan Christian ay sure in na raw bilang papalit sa iniwang posisyon ni Sec. Ralph Recto sa congress at si Luis Manzano naman ang tatakbong Vice Governor ng Batangas.
Last 2022 elections ay kinukulit ng mga magkakalabang partido na tumakbong senador pero parehong tinanggihan ni Ate Vi.
Ngayon naman ay mga lumalapit na mga impluwensiyang politician for her to run sa Senate.
***
“BADUDONG“ ang tawag ngayon ng aktor na si Albie Casiño sa anak niya.
Last April 7, lumipad si Albie at nakita niya ang kanyang mag-ina last April 8 sa San Francisco International airport.
Si Michelina Marie Dunton ang ina ng anak ni Albie.
31 years old ba si Albie kaya ganun na lang ang tuwang nakikita sa kanya sa kanyang Instagram video kasana ang anak niyang si Roman Andrew.
Kitang-kita ang excitement niya ng finally karga karga niya ang anak niya.
“A great mab told me ‘being a dad has no days off and retirement’ I wouldn’t have it any other way. I finay got to meet my son. Hello Roman Abdrew, the world is yours, little man, ” post pa ni Albie.
(JIMI C. ESCALA)
-
Sara Duterte, nanumpa na bilang ika-15 na bise-presidente ng Pilipinas
NANUMPA na si Sara Zimmerman Duterte-Carpio bilang ika-15 bise presidente ng Republika ng Pilipinas sa pangunguna ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando. Nagbigay ng maikling talumpati si VP Sara at nanindigan sa kaniyang pagmamahal sa bayan. “Hindi ako ang pinakamagaling, o pinakamatalinong tao sa Pilipinas at sa mundo — […]
-
Pagbabakuna laban sa COVID-19 para sa general population, depende sa suplay ng bakuna- Malakanyang
NAKATAKDANG magpulong ngayon ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases para talakayin ang pagbabakuna sa general population na nakatakdang simulan sa susunod sa susunod na buwan. Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, ang pagbabakuna sa general population laban sa COVID-19 ay mananatiling depende sa suplay ng bakuna. “Ang detalye […]
-
Inaayos na Kalibo International Airport papalakasin ang turismo, trabaho
Palalakasin ang turismo at magibibigay ng maraming trabaho ang mas pinagandang Kalibo International Airport (KIA) na magtutulak upang dumami pa ang economic activities sa Aklan. “While comfort, improved mobility, and connectivity are expected as a results of various development projects in Aklan, more employment and tourism opportunities will likewise flourish to boost activities […]