MGA MALLS SA MAYNILA GAGAMITIN NA VACCINATION SITE NG PEDIATRIC
- Published on February 12, 2022
- by @peoplesbalita
BINUKSAN na rin ang ilang mga malls sa Maynila para sa vaccination ng pediatric age mula 5 hanggang 11 taong gulang simula ngayong araw.
Sa ibinahaging impormasyon ng Manila Public Information Office (MPIO), maaari nang magtungo sa SM San Lazaro, SM Manila, Robinson’s Place Manila, at Lucky Chinatown ang nasabing age group para magpabakuna gamit ang Pfizer vaccine .
Sisimulan ang bakunahan alas 10 ng umaga hanggang hangang maubos ang inilaang 500 doses.
Nauna nang binuksan para sa pagbabakuna ng 5-11 taong gulang ang Manila Zoo at Ospital ng Maynila.
Hindi lamang ang edad 5-11 ang maaring bakunahan sa nabanggit na vaccination sites kundi pati ang 12-17 taong gulang para sa kanilang 1st and 2nd dose vaccination.
Gayundin ang kabilang sa A1-A5priority groups at ang mga nais magpa-booster shot.
Dagdag pa rito, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, sinimulan din ngayong araw ang pagbabakuna para sa booster shot sa dalawang kilalang fastfood chain sa lungsod ng Maynila na Mc Donalds at Jollibee.
Maaaring magpabakuna ng booster shot gamit ang AstraZeneca vaccine sa mga branch ng Mc Donalds sa P.Campa, Lepanto, Paco at Adriatico gayundin sa mga sangay ng Jollibee sa Legarda at North Harbor.
Patuloy naman ang isinasagawang 24/7 drive-thru vaccination sa Quirino Grandstand para sa mga 4 wheels na sasakyan gayundin ang drive-thru sa Kartilya ng Katipunan para naman sa mga rider ng 2 wheels motorcycle at bisikleta, sa mga community vaccination sites at Health centers.
Maging ang door-to-door na pagbabakuna ni Manila Vice Mayor Maria Sheilah “Honey”Lacuna-Pangan para sa mga bedridden citizen sa lungsod ng Maynila ay patuloy na isinasagawa. (GENE ADSUARA)
-
2 PINAY NA BIKTIMA NG TRAFFICKING, NAPIGIL
NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang biktima ng human trafficking na magtatrabaho bilang mga entertainers sa Singapore. Sa ulat ng BI travel control and enforcement unit (TCEU) kay BI Commissioner Norman Tansingco na ang dalawa na may edad,25 at 34 ay tinangkang sumakay sa Scoot Airlines sa Clark International Airport (CIA) […]
-
Ads October 21, 2022
-
PDu30, nagsimula nang magligpit ng gamit; hinahanda na ang sarili bilang private citizen sa Davao
NAGSISIMULA nang magligpit ng gamit si Pangulong Rodrigo Roa Duterte pauwi ng kanyang tahanan sa Davao City. Nakatakda na kasing magtapos ang termino ni Pangulong Duterte sa Hunyo 30. Ayon kay dating Special Assistant to the President at ngayon ay Senador Christopher “Bong” Go, nagsimula na si Pangulong Duterte na mag-impake […]