Mga mamamayan, hinimok na paigtingin pa ang pagkamakabayan sa harap ng mga hamon sa ating bansa – DFA
- Published on June 14, 2024
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ni DFA Sec. Enrique Manalo ang mga mamamayan na panatilihin ang maalab na pagmamahal sa bansa, ngayong nahaharap tayo sa maraming mgaa hamon.
Ang mensahe ay kasabay ng pagdiriwang ng bansa sa 126th Philippine Independence.
Ayon sa kalihim, mahalagang mapanatili ang ating pagtutok sa kalayaan, kinabukasan at kasaysayan na siyang tema ng ating taunang selebrasyon.
Hangad ng opisyal na magsilbing hamon sa lahat ang mga pagsubok upang magkakatuwang na itaguyod ang mas masigla at maunlad na bagong Pilipinas sa hinaharap na panahon.
Kinilala rin nito ang malaking papel ng mga manggagawang Pilipino mula sa iba’t ibang bansa, na bagama’t magkakalayo ay kaisa pa rin sa makabuluhang mithiin para sa lahat. (Daris Jose)
-
22-anyos na wanted sa rape sa Caloocan, laglag sa selda
TIMBOG ang 22-anyos na kelot na nakatala bilang top 4 most wanted person sa Northern Police District (NPD) nang magbalik sa lugar kung saan niya isinagawa ang panghahalay may isang taon na ang nakalilipas sa Caloocan City. Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang Warrant and Subpoena Section ng Caloocan police […]
-
MECQ sa NCR ‘di ipinapayo ng OCTA na luwagan
Binalaan ng mga eksperto mula sa OCTA Research Group ang pamahalaan sa pagluwag pa lalo ng COVID-19 restrictions sa National Capital Region (NCR) kahit pa bahagyang bumagal na ang pagkalat ng sakit. Sinabi ni OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco na dapat tumagal muna ng ilang linggo na mababa sa 1 ang reproduction […]
-
LTFRB namimigay ng driver subsidy
SINIMULAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamimigay ng bagong subsidy program na tulong para sa humigit kumulang na 60,000 na public utility vehicle (PUV) drivers na naapektuhan ng COVID-19 pandemic Ang programang ito ay magbibigay muna ng subsidies sa may 60,000 na drivers sa Metro Manila, Metro Cebu at Metro […]