MGA MAY NAIS MABAKUNAHAN NG COVID-19 VACCINE SA MM MABABA AYON SA DILG
- Published on February 16, 2021
- by @peoplesbalita
LUMABAS na mababa at nasa 20% hanggang 30% lamang ng mga residente ng Metro Manila ang may gusto na magpabakuna laban sa COVID-19 batay sa isang survey ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III. Lubhang mababa ito mula sa 80 porsyentong target ng kanilang ahensya.
Upang tumaas naman ang mga taga-Metro Manila na makumbinsi na magpabakuna ay mas paiigtingin nila ang kampanya upang mahikayat ang publiko na tumanggap ng COVID-19 vaccine.
Bukod sa Metro Manila ay sa ngayon ay patuloy ang pag punta nila sa iba’t ibang lugar tulad ng sa Calabarzon at sa susunod na linggo, babiyahe sila pa Mindanao, sa Davao City para ipaliwanag sa taong bayan ang importansya ng pagbabakuna.
Samantala ay isa naman sa nakitang dahilan ng takot ng publiko sa bakuna ay ang nangyari sa mga nabakunahan ng Dengvaxia. Ayon sa Public Attorney’s Office (PAO) na tangging pagbigay ng hustisya sa mga biktima nito at pagpapakulong sa mga sangkot dito ang mga papataas ng kumpinysa ng publiko sa mga bakuna. Nilinaw din mismo ni PAO chief Atty Persida V. Rueda-Acosta na hindi sila kontra sa anumang uri ng bakuna. Giit niya na siya mismo at ang kanyang pamilya ay kumpleto sa bakuna kaya walang katotohanan ang pag bansag sa kanila na mga “Anti-Vaxxers”.
Inaasahan naman na dumating ang bakuna sa bansa ngayong buwan ngunit hindi isinapubliko ang eksaktong petsa ng pagdating nito. (RONALDO QUINIO)
-
Naunang anunsiyo hinggil sa pagbabago ng 21 to 60 years age restriction para makalabas ng bahay, kailangan pang linawin sa IATF – Malakanyang
KAILANGAN pa munang linawin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang tungkol sa pagbabago ng age restriction ng mga puwede nang makalabas ng bahay. Itoy makaraang magkaroon ng anunsiyo na ibinaba na sa edad 15 at itinaas naman sa 65 ang pupwede nang makalabas ng bahay. Paglilinaw ni Sec. Roque, example o halimbawa lang […]
-
3,000 DAYUHAN, PINAUWI
UMABOT sa 3,000 na mga dayuhan ang pinabalik sa kanilang bansa noong nakaraang taon dahil sa paglabag ng Philippine Imigration Law, ayon sa Bureau of immigration. Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, na naguna sa listahan ang Chinese na 3,219 noong 2020, sumunod ang Vietnamese ( 60) habang 40 ang Koreans, 25 ang […]
-
1.1 milyong passport slots hanggang Disyembre, binuksan
NAGBUKAS ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng mas maraming passport appointment slots simula ngayong linggo hanggang Disyembre 2022. Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na hindi bababa sa 800,000 slots ang ginawang available bilang bahagi ng pagsisikap ng DFA na pahusayin ang kasalukuyang serbisyo ng consular. Plano rin ng […]