• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MGA MAY NAIS MABAKUNAHAN NG COVID-19 VACCINE SA MM MABABA AYON SA DILG

LUMABAS na mababa at nasa  20% hanggang 30% lamang ng mga residente ng Metro Manila ang may gusto na magpabakuna  laban sa COVID-19 batay sa isang survey ng Department of Interior and Local Government (DILG).

 

 

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III. Lubhang mababa ito mula sa 80 porsyentong target ng kanilang ahensya.

 

 

Upang tumaas naman ang mga taga-Metro Manila na makumbinsi  na magpabakuna ay mas paiigtingin nila ang kampanya upang mahikayat ang publiko na tumanggap ng COVID-19 vaccine.

 

 

Bukod sa Metro Manila ay sa ngayon ay patuloy ang pag punta nila sa iba’t ibang lugar tulad ng sa Calabarzon at sa  susunod na linggo, babiyahe sila pa Mindanao, sa Davao City para ipaliwanag  sa taong bayan ang importansya ng pagbabakuna.

 

 

Samantala ay isa naman sa nakitang dahilan ng takot ng publiko sa bakuna ay ang nangyari sa mga nabakunahan ng Dengvaxia. Ayon sa Public Attorney’s Office (PAO) na tangging pagbigay ng hustisya sa mga biktima nito at pagpapakulong sa mga sangkot dito ang mga papataas ng kumpinysa ng publiko sa mga bakuna. Nilinaw din mismo ni PAO chief Atty Persida V. Rueda-Acosta na hindi sila kontra sa anumang uri ng bakuna. Giit niya na siya mismo at ang kanyang pamilya ay kumpleto sa bakuna kaya walang katotohanan ang pag bansag sa kanila na mga “Anti-Vaxxers”.

 

 

Inaasahan naman na  dumating ang bakuna sa bansa ngayong buwan ngunit hindi isinapubliko ang eksaktong petsa ng pagdating nito. (RONALDO QUINIO)

Other News
  • Valenzuela LGU pinasinayaan ang Veinte Reales–Lingunan MEGA Pumping Station

    PINANGUNAHAN ni Mayor WES Gatchalian ang pagbabasbas at pagpapasinaya sa ika-25th pumping stations ng Valenzuela City sa Barangay Veinte Reales at Lingunan upang mabawasan ang pagbaha sa mga lugar na ito sakaling may malakas na ulan na dala ng bagyo.     Dahil sa climate change at global warming, ilang bahagi ng lungsod ang madaling […]

  • Tolentino ipapagawa ng bahay ang POC

    BALAK sa panahon ng panunungkulan ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham  Tolentino na mapagtayo ng sariling permanenteng tahanan ang pribadong organisasyon upang hindi maging ‘iskuwater’ sa PhilSports Complex ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Pasig City.   Ito ang ipababatid ng opisyal sa mga kasamahan sa organisasyon unang edisyon na unang POC Executive Board […]

  • Mga ospital sa Metro Manila, humirit pa ng bakuna

    Dahil sa patuloy na  pagtaas ng kumpiyansa sa bakuna, humihingi na rin ang mga empleyado ng East Avenue Medical Center sa Quezon City ng karagdagang Sinovac vaccine.     Ayon kay Dr. Dennis Ordoña, Spokesperson ng naturang ospital, mas dumami na ang mga health workers ang nais ngayon magpabakuna makalipas ang tatlong araw na vaccine […]