• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga miyembro at pensioners na apektado ng lindol, maaaring mag-avail ng emergency loan mula sa GSIS

MAAARING mag-avail ng emergency loan ang mga miyembro ng state-run pension fund na Government Service Insurance System (GSIS) na apektado matapos tumama ang magnitude 7 earthquake sa Abra at naramdaman sa ilang bahagi ng Luzon kabilang sa Metro Manila.

 

 

Ayon kay GSIS president at general manager Wick Veloso, titiyakin nila na ang mga miyembro at pensioners ay makakatanggap ng financial assistance at nakikipag-ugnayan na rin sila sa lahat ng public entities na apektado ng lindol para suriin kung may mga pinsala sa government properties para makapag-calim ng insuramce mula sa GSIS.

 

 

Aniya, naglaan ang GSIS ng P5.4 billion para sa emergency loan program ngayong taon.

 

 

Ang mga GSIS members na may existing emergency loan balance ay maaring makahiram ng hanggang P40,000 para mabayaran ang kanilang previous emergency loan balance at makakatanggap pa rin ng P20,000.

 

 

Samantala, ang mga mayroong existing emergency loan naman ay maaaring mag-apply para sa P20,000 loan amount gayundin ang pensioners.

 

 

Maaaring bayaran ang naturang emergency loan ng 36 monthly installments na may 6% interest rate.

 

 

Ang mga kwalipikado para sa emergency loan ay ang mga miyembro na nasa active service at walang leave of absence without pay, may tatlong buwan na binayarang premiums sa loob ng anima na buwan, walang pending administrative o criminal case at may net take-home pay na hindi bababa sa P5000 matapos na makaltas ang required monthly obligations.

Other News
  • Paghahanda sa posibleng pag-alburoto ng Bulkang Taal, hinuhusto na ng DILG at lokal na pamahalaan

    NGAYON pa lamang ay hinuhusto o kino-kompleto na ng lokal na pamahalaan sa tulong ng DILG, PNP at Bureau of Fire Protection ang paghahanda sa mga munisipyo at siyudad na nakapalibot sa Bulkang Taal.   Ito ang iniulat ni DILG Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Talk to the People, Lunes ng […]

  • Alcantara, Gonzales talsik

    HINDI umubra sina Philippine duo Francis Casey Alcantara at Ruben Gonzales laban kina Conner Huertas at Alexander Merino ng Peru, 7-6 (11-9), 4-6, 10-7, para magmintis sa semifinals ng katatapos na International Tennis Federation (ITF) ASC BMW $25,000 Men’s World Tennis Tour second leg sa Naples, Florida.     Pumalaot sa quarterfinas sina homegrown Alcantara […]

  • Magnitude 7.3 na lindol yumanig sa Japan; tsunami advisory inilabas

    NIYANIG nang malakas ang kabisera ng Tokyo matapos na tamaan ng magnitude 7.3 na lindol ang silangang bahagi ng Japan kagabi na nag-udyok naman ng tsunami advisory para sa ilang bahagi ng northeast coast ng bansa.     Ayon sa Japan Meteorological Agency, sa baybayin ng Fukushima region nakasentro ang lindol na may lalim na […]