• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga nabigong maghain ng kanilang Income Tax Return, maparurusahan- Sec. Dominguez

SINABI ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na maaari nang parusahan ang mga taong nabigo na maghain ng kanilang income tax returns sa ilalim ng umiiral na tax regulations.

 

 

Matatandaang, inalis lamang noong 1992 ang probisyon ukol sa pag-exempt na maparusahan o pagmultahin ang mga taong nabigong makapaghain ng income tax returns.

 

 

Ang paglilinaw na ito ng Kalihim ay matapos na may isang bahagi sa Commission on Elections’ First Division ruling ang nagbabasura sa disqualification cases laban kay Ferdinand Marcos Jr. na patuloy na umiikot sa social media.

 

 

Ang nasabing bahagi ng ruling na isinulat ni Commissioner Aimee Ferolino ay nagsasaad ng “the failure to file tax returns is not inherently wrong in the absence of a law punishing it.”

 

 

Upang bigyang linaw ang nasabing usapin, tinukoy ni Dominguez ang Batas Pambansa 135, inamiyendahan ang Section 73 ng 1977 National Internal Revenue Code.

 

 

Ang naturang seksyon ay nagsasaad na may multa na P2,000 at pagkakakulong ng hindi lalagpas sa anim na buwan ang mga taxpayers na nabigong maghain ng kanilang tax return o nakapagbayad ng kanilang buwis.

 

 

Ang amiyenda sa naturang batas ay mayroong probisyon na nasasaad na “that an individual with compensation income taxable under Section 21 (a) of this Code and where the tax withheld from such compensation income is final shall be exempt from the penalty for failure to pay the tax on such compensation income and to file a return thereon at the designated period.”

 

 

“This is the law applicable during the 1983-85 taxable years,” ayon kay Dominguez.

 

 

Ang petisyon para idiskuwalipika si Marcos Jr. ay nag-ugat mula sa naging hatol ng Quezon City court laban kay Marcos dahil sa hindi paghahain ng kanyang income tax returns mula 1982 hanggang 1985.

 

 

Ang hatol kay Marcos Jr. ay pinagtibay ng Court of Appeals subalit inalis naman ang imprisonment sentence.

 

 

Sinabi ni Dominguez na “the provision making the non-filing of ITR not punishable “was removed only in 1992.”

 

 

Dahil dito, umapela ang Kalihim sa mga mamamahayag na “please help educate the public when asked about the confusion that the lifted Comelec ruling’s portion might cause about tax compliance.” (Daris Jose)

Other News
  • Sa pagdiriwang ng ika-25 na taon ng Puregold: JUSTIN at EJ, kasama sa nagkuwento ng kanilang tagumpay sa ‘Nasa Iyo ang Panalo’

    SA pagdiriwang ng ika-25 na taon sa industriya ng retail ng Puregold, isang mahalagang layunin ang ibida ang ‘Panalo Stories’ sa mga suking Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng bansa.   Sinimulan ng Puregold ang pagkamit ng layong ito sa pagbabahagi ng mga kuwento ng apat na sikat na personalidad sa mga larangan ng showbiz, […]

  • 27 road sections, isinara dahil kay ‘Kristine,’ clearing ops, kasalukuyang isinasagawa- DPWH

    MAY 27 road sections sa tatlong rehiyon ang isinara sa trapiko dahil sa epekto ng Severe Tropical Storm Kristine (international name: Trami).   Sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kanilang ‘6 a.m. report’, na 21 lansangan ang hindi madaraanan sa Bicol, apat sa Cordillera region, at dalawa sa Cagayan Valley.   […]

  • Mikey Garcia inaayos na ang laban kay Pacquiao

    Ibinahagi ni American boxer Mikey Garcia na inaayos na nila ang laban niya kay Manny Pacquiao.     Sinabi nito na sa mga susunod na mga araw ay malalaman ang ilang detalye ng laban kung saan ito gaganapin.     Target kasi nila na isagawa ang laban hanggang sa buwan ng Mayo.     Dagdag […]