• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MGA OPISYAL NAG-INSPEKSYON SA PALENGKE PARA TIYAKIN ANG PAGSUNOD SA EO 39

NAG-IKOT sa NEPA Q Mart si Department of Interior and Local Government Secretary Benjamin Benhur Abalos Jr. upang mag-inspekyon kaugnay sa unang araw ng pagpapatupad ng Executive Order Number 39 o ang kautusang nagtatakda ng price ceiling sa bigas.
Matatandaan na inilabas ang EO 39 bunsod na rin ng napipintong kakapusan sa suplay ng bigas sa bansa dahil sa sunud-sunod na bagyo. Nasasaad sa kautusan na dapat ay hanggang sa 41 pesos lamang ang regular milled rice at 45 pesos naman sa well-milled rice ayon na rin sa rekomendasyon ng Department of Agiculture o DA.
Nakiisa sa inspeksyon sina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes, Metro Manila Council Chairman at San Juan City Mayor Francis Zamora, Ms. Margie Santos chief ng QC Business Permits and Licensing Department, at Mr. Perry Dominguez ng QC Market Development and Administration Department.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, nakatutok ang Quezon City Price Coordinating Council sa mga pamilihan upang matiyak ang pagsunod ng mga manininda sa executive order 39 ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos.
Ayon pa sa alkalde nakahandang magbigay ng karagdagang tulong ang pamahalaang lungsod sa mga small scale retailers na maaapektuhan ng price cap sa bigas sa pamamagitan ng pag-waive o pagbigay ng discount sa rental fee sa mga palengke.
Maaari ring matulungan ang mga small scale retailers sa lungsod sa pamamagitan ng Kalingang QC para sa Negosyo bilang tulong pinansiyal upang magpatuloy pa rin ang kanilang negosyo sa gitna ng pagpataw ng mandated rice price ceiling.
Siniguro ng alkalde na laging nakaagapay ang lokal na pamahalaan sa mga pangangailangan ng mga retailer at bukas sa pakikipagdayalogo ang QC sa mga market vendor. (PAUL JOHN REYES)
Other News
  • Mas maraming in-housing units, itatayo sa Navotas

    MALUGOD na ibinalita ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na patapos na ang NavoHomes 2 Kaunlaran na paglilipatan ng 120 pamilyang NavoteƱo na nakatira sa tabing dagat o danger zoon.     Sinabi rin ni Mayor Tiangco na natambakan na ang limang ektaryang site ng NavotaAs Homes 3 sa Tanza at ito ay natambakan ng […]

  • Malakanyang, pinabulaanan na may exodus sa mga POGO

    ITINATWA ng Malakanyang na may exodus sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa gitna ng COVID-19 crisis.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na malinaw ang requirements ng Department of Finance (DOF) para sa muling pagbabalik ng POGO operations.   Iyon nga lamang aniya ay may ilang POGO firms na bigong magbayad ng kanilang […]

  • FISH PORTER PINAGBABARIL, MALUBHA

    AGAW-BUHAY sa pagamutan ang isang fish porter matapos harangin at pagbabarilin ng isa sa tatlong suspek sa Malabon City.   Si Gerald Enrique, 20 of 1st Street, Block 28, Lot 7, Brgy. Tanong ay isinugod ng kanyang his live-in partner sa Ospital ng Malabon subalit kalaunan ay inilipat sa Tondo Medical Center kung saan ito […]