• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga Pinoy cue artists pasok na sa 2nd round ng US Open Pool Championship

Pasok na sa ikalawang round ng US Open Pool Championship ang mga billiard players ng bansa.

 

 

Pinangunahan ni Dennis Orcollo at Carlos Biado at pitong iba pang Filipino ang pag-usad sa ikalawang round ng torneyo na ginaganap sa Harrah’s Resort sa Atlantic City, New Jersey.

 

 

Unang tinalo ng Asian gold medalist na si Orcollo ang dalawang nakalaban nitong sina Miguel Medieta ng Argentina at Paul Spaanstra ng US.

 

 

Habang tinalo naman ni Biado sina Steve Feming ng US at Vincent Beauvirage ng Canada.

 

 

Mahaharap sa malaking hamon ang dalawa sa ikalawang round ngayong Setyembre 16.

 

 

Makakasagupa ni Orcollo si Corey Deuel ng US habang makipagtutuos sina Biado kay Mika Immonen ng Finland para sa kanilang race to 11 game.

 

 

Pasok rin sa susunod na round ang mga Pinoy cue artists na sina Jeff De Luna, Roberto Gomez, Warren Kiamco, Jeffrey Ignacio, Johann Chua at James Aranas.

Other News
  • Travel ban sa South Korea, ipatutupad na

    Inianunsyo ng Malacañang na nagdesisyon na ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na magpapatupad na rin ng ban na makapasok ng Pilipinas ang mga biyaherong manggagaling mula North Gyeongsang province ng South Korea.   Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, magsa-sagawa pa ng risk assessment ang task force sa loob ng 48 […]

  • EJ Obiena excited ng maging flag bearer sa SEA Games

    LUBOS  ang kasabikan ni Filipino Pole Vaulter EJ Obiena sa pagiging flag bearer ng bansa sa pagsisimula ngayong araw ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Dumating ang 26-anyos na si Obiena isang araw bago ang formal opening ceremony na gaganapin sa My Dinh National Stadium.     Napili kasi ang world […]

  • ‘Broken Blossoms’, umani ng parangal sa filmfest sa India: JERIC at THERESE, ginawaran ng Critics Choice Award bilang Best Actor at Best Actress

    UMANI ng parangal ang Philippine entry na Broken Blossoms sa Mokkho International Film Festival sa India.     Sa IG account ni Direk Louie Ignacio, pinost nito ang mga nakuhang awards ng dinirek niyang pelikula na bida sina Jeric Gonzales at Therese Malvar.     Caption pa niya: “Congratulations Team Broken Blooms. congrats Bentria Productions […]